^

Dr. Love

60 years old ang bf

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Marami sa aking kamag-anak ang ayaw sa aming relasyon. Dahil masyadong matanda na ang aking nobyo. ako ay 22 years old habang ang boyfriend ko ay 60 years old na. Nagkakilala kami ni Danny noong birthday ng tatay ko. Best friend sila simula pa nang sila ay bata pa. Nag-iinuman sila noon at ako ang tagalagay ng kanilang pulutan. Hindi naman gaanong lasing si Danny, nagpahatid siya palabas ng gate namin. Binulungan niya ako kung pwede raw niya akong ligawan. Natakot ako dahil nga nakainom siya.

Pero makaraan ang isang linggo, may dala nang bulaklak ang matandang si Danny. Nagulat kaming lahat. Dahil kaibigan ni tatay si Danny ay hinahayaan niyang magkausap kami. Wala naman daw deperensiya iyon, binata naman daw ang matanda at nasa hustong gulang naman ako.

Siyempre na shock ako.  Sa dinami-dami ng nagkakagusto sa akin, hahayaan ko na lang bang mapunta ako sa isang matanda? Pati magulang ko parang boto sa kanya. Kaso ang mga kamag-anak namin, hindi nila matanggap ang magiging sitwasyon naming dalawa.

Pumayag akong makipag-date kay Sir Danny. Aba, galante ang matanda… sa isang hotel kami kumain ng lunch at naglaro kami sa Casino. In fairness, mabait siya at kwelang kasama. ‘Yun nga lang para kaming magtatay. Kapag kasama ko siya parang hinahatid o sinusundo ako ng tatay ko.

Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako bibigay dahil nga iniingatan ko ang aking sarili sa sasabihin ng iba.

Nagkamali ako, Dr. Love. Sa limang buwan na pagtitiyaga niya sa akin, parang nagayuma ako ng kanyang kabaitan at kasiyahan kapag magkasama kami.

Ang akala kong laro-laro lang, totoo na pala. Sinagot ko siya at simula noon kinukulit na niya akong magpa­kasal. Biro pa nga niya, baka nga raw manghinayang ako at abutan na siya ng signing off.

Dr. Love, tanong ko lang, wala bang masama kung magpakasal ako kay Danny kahit sa tingin ng iba ay hindi ako seryoso sa kanya? Mahal ko na siya pero nag-aalangan ako. Help me naman po.

Daisy

Dear Daisy,

Kung talagang mahal mo na nga si Danny, wala kang dapat ipangamba. Huwag mong isipin ang sasabihin ng iba. Kayo ni Danny ang magsasama. At walang sinuman ang pwede humadlang sa inyong kalayaan at kasiyahan. Tanggap naman ng magulang mo si Danny. Tanungin mo ring mabuti ang iyong sarili kung talagang mahal mo siya. Kapag sigurado ka na, sige magpakasal ka.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with