^

Dr. Love

Pinalo ng biyanan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Alvin po ng Balut Tondo. Lagi po akong inaaway ng biyanan kong lalaki. Alam ko naman na ayaw niya sa akin. Dahil noon pa man, gusto na niya kaming paghiwalayin ni Leah. Galit siya dahil sinira ko raw ang pangarap niya para sa kanyang anak. Nag-iisang babaeng anak niya si Leah.

Sa lahat ng naging girlfriend ko, si Leah lang ang tumanggap sa akin bilang ako. Isang tambay at hindi tapos ng pag-aaral. Mahal ko si Leah. Totoo po na ako ang sumira sa kanyang pangarap, second year pa lang si Leah nahinto na siya ng pag-aaral dahil buntis siya.

Sana nurse na si Leah ngayon. Balak niyang mag-abroad pero hindi natuloy. Binalak kong ipalaglag na lang ang bata pero hindi pumayag si Leah. Dapat daw naming panindigan ang aming ginawa lalo na sa kanyang ama. Nagdesisyon siyang magsama kami.

Sa umaga nagdadabog na ang biyanan ko para ma­gising kami at para kumilos. Nagsusumikap naman ako, kaso wala akong regular na trabaho. Minsan karpentero, minsan janitor kapag tapos na ang kontrata tapos na rin ang trabaho. Pati si Leah nadamay, sales lady siya sa isang mall.

Ayaw alagaan ng biyanan ko ang aming anak kaya minsan sa kapitbahay ko na lang pinasusuyo. Mabuti na lang mabait si Aling Dely.

Hindi ko na kaya, Dr. Love. ‘Yung pagmumura ng biyanan ko kaya kong tiisin, dahil salita lang ‘yun pero ang masakit nang isang hapon, wala akong pasok pinalo niya ako ng timba sa ulo. At hinamon ng away. Kitang-kita ng kapitbahay namin ang ginawa niya.  Gusto ko na lang umalis at iwanan ang aking mag-ina. Pero paano na sila? Sana Dr. Love matulungan ninyo ako. Mukha lang akong salbahe pero matino naman ang isip ko, hindi ko kayang tiisin ang aking pamilya.

Alvin

Dear Alvin,

Bakit hindi mo subukang bumukod ng tirahan. Kahit maliit at simple para makaiwas kayo sa gulo. Unawain mo ang biyanan mo, dahil talagang hindi madali ang naging sitwasyon ninyo ni Leah. Huwag mo nang dagdagan pa ang problema ninyong mag-asawa. Huwag mong ituloy ang balak mong iwanan sila. Kasama sa pagmamahalan ang pagsisikap at pagtitiis. Mag-ipon kayo kahit paunti-unit at subukan mo rin humanap ng sideline, ‘yung legal ha. Pasalamat ka dahil may mga taong nagmamalasakit sa anak ninyo.

DR. LOVE

vuukle comment

DRLOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with