^

Dr. Love

Adik ang boyfriend

IN BETWEEN DEADLINES - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta ka, Dr. Love? Nakikiusap po ako na huwag n’yo nang sabihin ang buo kong pangalan. Tawagin n’yo na lang akong Pinky, 23-anyos. Nagtapos ako ng secretarial course at nagtatrabaho sa isang kilalang pawnshop.

Nagkaroon ako ng boyfriend na nadamay sa Oplan Tokhang ng gobyerno. Hindi  ko alam na user pala siya, pero sabi niya sa akin ay hindi siya nagbebenta ng droga. Kasama siya sa maraming sumurender sa pamahalaan pero ngayon ay takot na takot siya dahil may mga pagbabanta sa kanyang buhay. Baka siya raw ay iligpit ng mga pusher dahil sumuko siya sa gobyerno.

Nakipag-break na ako sa kanya dahil hindi ko alam na may ganung bisyo siya. Pero nakikiusap siya na huwag ko siyang iwanan. Ano ang dapat kong gawin?

Pinky

Dear Pinky,

Kung talagang ayaw mo na sa kanya at pinakikiusapan ka lang na huwag mo siyang hiwalayan, hindi magandang pagbigyan mo siya.

Pero desisyon mo iyan, kaya timbangin mo ang damdamin mo. Kung sadyang wala ka nang napi-feel na love sa kanya, bakit naman ipagpapatuloy mo pa ang relasyon?

Ngunit kung medyo disappointed ka lang dahil sa nadiskubre mong bisyo niya, bigyan mo siya ng one more chance kung mahal mo pa siya. Baka sakaling dahil sa isa pang tsansa na ibibigay mo ay maging daan para magbago siya at maligtas sa kapahamakan.

Dr. Love

vuukle comment

ADIK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with