^

Dr. Love

Pinagnanasaan ng bayaw

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Unang-una po ay ang aking mainit na pagbati ng mabiyayang araw sa inyo.  Matagal na po ninyo akong tagahanga at nagkaisip akong sulatan ka para humingi ng advice. Itago mo na lang ako sa pangalang Jica.

Ang problema ko po ay ang aking bayaw na sa tingin ko ay may kursunada sa akin. Estudyante po ako sa college at nakikitira ako sa bahay ng aking kapatid dito sa Maynila dahil taga-probinsiya  po kami.

Barong-barong lang ang tinitirhan ng kapatid ko at ng kanyang asawa, at ang banyo ay hindi nakakandado.

Minsan sa paliligo ko ay nagbukas ang pintuan at nakita ko ang bayaw ko na nagsabing “sorry, may tao pala.”  Hindi ako naniniwalang hindi niya alam na may tao dahil naririnig naman ang buhos ng tubig sa paliligo ko. Bukod diyan, laging masama ang tingin niya sa akin. Kung minsan kapag nagkakasalubong kami ay sinasadya niyang banggain ako.

Nangyayari ito tuwing nasa palengke si ate. Ayaw kong magsumbong at baka hindi ako paniwalaan dahil mahal na mahal ng ate ang asawa niya. Anong gagawin ko?

Jica

Dear Jica,

Mukhang may kapilyuhan ang bayaw mo Jica. Habang nagtatagal, baka nga may mangyari pang higit sa pagbangga niya at pamboboso sa iyo.

Bago may mangyari ay umalis ka na diyan. Magdormitoryo ka. Marami diyan na mura lang. Walang masama kung magsumbong ka sa ate mo dahil kapatid mo siya at siya ang unang dapat magmalasakit sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANG

ANONG

AYAW

BUKOD

DEAR JICA

DR. LOVE

ESTUDYANTE

HABANG

JICA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with