^

Dr. Love

Umasang magkakabalikan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ako handa sa kinahantungan ng tatlong taong relasyon namin ni Ramil, Dr. Love. Nagkasundo kaming mag-cool off muna para makapag-isip kung dapat na bang itaas ang level ng aming ugnayan sa isa’t isa pero umasa ako sa wala. Dahil hindi na pala kami magkakabalikan.

Magkababata kami, malapit ang aming pamilya, nalayo lang kami sa isa’t isa nang magtrabaho siya sa abroad bilang engineer. Noong unang taon na magkalayo kami, halos araw-araw ay nag-uusap kami sa telepono. Bukod pa ang chat sa social network.

Sa tatlong taong kontrata niya, dalawang beses po ang bakasyon niya. Sa unang uwi niya, halos lahat ng bilin ko ay tinupad niya. Tinaon naman niya sa birthday ko ang pa­nga­lawang uwi niya at niregaluhan ako ng bike. Pero pagkatapos nito ay bigla na siyang tumigil sa pakikipagkomunikasyon sa akin.

Kamakailan lang ay biglang umuwi si Ramil at nasaktan ako ng sobra sa nalaman ko. Isang nurse ang dahilan ng lahat. Nagkakilala sila sa eroplano noong ikalawang beses na umuwi siya at nagkasundo sila.

Umuwi siya nang biglaan para ipakilala ang nurse sa kanyang pamilya. Masakit po dahil umasa ako na magkakabalikan pa kami. Pinadalhan pa niya ako ng mamahaling cho­colate pero ito raw ay para sa pagkakaibigan na lang namin. Noong mga sandaling iyon, gusto ko pong ibalik sa kanya ang chocolate pero nagpigil ako. Hindi ko po maintindihan kung saan ako nagkamali?

Dapat ko po bang sabihin sa kanya ang damdamin ko? Pagpayuhan po ninyo ako dahil ayaw ko namang masabi na naghahabol ako.

Gumagalang,

Zonia

Dear Zonia,

Masakit talaga ang umasa sa wala. Kaya noong sandaling magdesisyong kayong mag-cool off ay inihanda mo na sana ang sarili mo sa maraming posibilidad na mangyayari sa inyong relasyon.

Ngayon malinaw sa iyo ang estado ng ka­looban ng ex-boyfriend mo, panahon na para mag-move on. Para sa akin, wala nang saysay na sabihin mo sa kanya ang feelings mo. Dahil obviously, tapos na ang lahat sa pagitan ninyo.

Ang gawin mo ay sikapin na maging normal ang buhay mo, tanggapin ang mga nangyari at maging positibo na darating din ang lalaking nakalaan para sa iyo.

DR. LOVE

vuukle comment

AKO

DAHIL

DEAR ZONIA

DR. LOVE

MASAKIT

NIYA

NOONG

RAMIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with