^

Kutob

Abril 20, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung single matutuon ang atensyon sa pagpaplano para mag-asawa o magpakasal. Kung married, nasa kaunlaran ng pamumuhay ang pokus. May hatid ng kakaibang balita ang may inisyal na A o E. Maaaring magkaroon ng atraksyon sa isang kapwa Taurus o Aries. Lucky numbers at color for the day ay 24, 28, 40, 43 at sapphire blue.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Magkakaroon ng maraming gawain. Pagtuunan ng pansin at dobleng pag-iingat ang anumang gagawin. Tapusin ang sinimulan bago magsimula ng panibago. Naaayon ang makipagsosyalan lalo na kung tungkol sa trabaho. May pahiwatig na isa sa pamilya ay nagbabalak umalis ng tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 25, 43, 45 at yellow.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Kung may balak na maglakbay sa malapit o malayo, maisasakatuparan ng walang sagabal. Mauunawaan kung ano ang ipinagtatampo o ikinagagalit ng kasambahay. Mahahanapan ng solusyon ang problema. Walang problema tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 1, 20, 32, 39 at jade green.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Masayang pangyayari ang maaaring maganap. Magiging pinakamasaya sa piling o sa pakikisama sa isang kapwa Leo. Makakasagupa ng kagipitan sa pera kung hindi magiging maingat sa pag-gastos. Hindi maiiwasan ang magselos o pagselosan. Malaking papel ang gagampanan ng Cancer o Pisces. Lucky numbers at color for the day ay 21, 29, 36, 42 at pink.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Maisasaayos ang suliranin tungkol sa pinansyal. Hahangaan ng kapwa Virgo, ng isang Leo o Aquarius dahil sa kahusayan sa trabaho o kahusayan sa pag-aayos sa sarili. Walang magiging problema sa trabaho ngunit may kakaharaping pagsubok sa pag-ibig o relasyon o sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 8, 24, 44 at crimson.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Malaki ang bahagi ng Pisces na may kinalaman sa pangarap, edukasyon, paglalakbay o promosyon. Makakaharap sa pagsubok na kailangan timbangin ang mga pangyayari. May magandang balita ang kapwa Libra. Maglalahad kaugnay sa aspetong legal ang isang Scorpio. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 23, 45 at maroon.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kalituhan ang hatid ng Gemini na maaaring pagmulan ng selos o inggit. Malaki ang magiging papel ng Capricorn para mapokus ang atensyon sa pag-aabroad o pagbili ng bahay at lupa. Malaki ang magiging kontribusyon na ang pangalan ay nagsisimula sa A, C at D. Lucky numbers at color for the day ay 19, 28, 31, 44 at dollar green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Ingatan ang kalusugan. Walang problema sa aspeto ng pag-ibig. Maipapamalas ang pagkaplastik. Kailangan ang masusing pagpaplano tungkol sa pinansyal. Ang kapwa Sagittarius, Capricorn o Pisces ang maaaring makatulong sa kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 21, 33, 35 at indigo.

 

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Mag-ingat sa mga gamit lalo na sa mga alahas at pera, itago itong mabuti. Habaan ang pasensya at dagdagan ang dedikasyon sa trabaho at pamilya. Tamang panahon para pagtuunan ng pansin ang mga pangarap, ambisyon, pananalapi o pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 3, 24, 31, 39 at ocean blue.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Huwag magpabigla-bigla sa aksyon at desisyon. Matutuon ang atensyon sa healthcare o kung papaano mapapaunlad ang buhay. Malaki ang magiging bahagi ng kapwa Aquarius, Capricorn o Aries ngayon. Maging kalmado at huwag magpabigla-bigla kung may hindi pagkakaunawaan sa mag-asawa. Lucky numbers at color for the day ay 2, 27, 32, 35 at tangerine.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Malaki ang magiging bahagi ng isang Gemini o Aquarius na maaaring ikaligaya o ikalungkot. Magpokus sa wastong pag-gawa sa trabaho ng hindi magkamali. Mag-invest sa fashion, news o entertainment. Huwag tanggihan ang darating na imbitasyon dahil maaaring dito makilala ang soulmate o twinflame. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 37, 42 at white.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Malamang makasagupa ang isang Gemini o Sagittarius na magbibigay ng hindi makakalimutang experience. Mapagtutuunan ng panahon ang tungkol sa mga binabalak o ambisyon. Makakaharap sa maraming katanungan kaya nakasentro ka sa kaligayahan o kalungkutan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 25, 41, 43 at yellow.

vuukle comment

KUTOB ABRIL 20

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with