^

Metro

Traffic enforcer itinumba sa satellite office ng MTPB

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang officer-in-charge ng Manila Traffic and Parking Bureau ng Manila City Hall nang pagbabarilin sa mismong satellite office sa Binondo, Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Tranquilino Vuelga, 61-anyos, ng MTPB Task Force Parola,  na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Blangko pa ang pulisya sa pagkilanlan ng salarin  na inilarawang nasa 5’5 ang taas, nakasuot ng ball cap, pantalon na maong at stripe na t-shirt.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District-Station 11, dakong alas-11:30 ng umaga kahapon nang maganap ang pamamaril sa MTPB satellite office sa Parola na sakop ng Barangay 275, Parola Compound, Binondo.

Nasa loob ng barangay office ang biktima nang biglang pasukin ng salarin na nakasuot ng face mask at nakasumbrero. Walang sabi-sabing pinaputukan ng ilang beses ang biktima at nang tumumba ay umalis na naglakad lamang patawid ng kalsada ang gunman.

Nakakuha naman ng kuha ng closed circuit television ang awtoridad malapit sa lugar na pinag-aaralan ang footages kung may nahagip sa pangyayari.

vuukle comment

DEAD-ON-THE-SPOT

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with