Joy B isinailalim sa workshop ang maliliit na negosyante
MANILA, Philippines — Isinailalim ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa apat na araw na workshop seminar ang maliliit na negosyante upang matulungang mapalaki ang kanilang mga negosyo.
Binati ni Belmonte ang mga nagsipagtapos ng seminar sa pakikipagtulungan sa Ateneo Center for Educational Development (ACED).
Tinuruan ang mga benipisaryo ng mga business-related skills tulad ng financial management, financial literacy, product development, sales and marketing, at costing.
Ang mga resource persons at instructors ay mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas, Bankers Institute of the Philippines, at Sun Life Financial.
Tiniyak ni Belmonte na patuloy na magsasagawa ng workshop seminar ang Artisan Academy sa mga nangangailangang residente ng lungsod tulad ng mga solo parents upang makapagtayo sila ng kanilang pagkakakitaan.
- Latest