^

Probinsiya

P200-M cocaine nalambat sa dagat

Joy Cantos, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
P200-M cocaine nalambat sa dagat
Iprinisinta ni Quezon PNP Director PS/Supt. Roderick Armamento sa mga mamamahayag ang 27 pakete ng high grade cocaine na tinatayang aabot sa P200-milyon ang halaga.
Kuha ni Tony Sandoval

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P200-milyong halaga ng high grade cocaine na nakasilid sa isang kulay asul na plastic container ang nalambat ng mga mangingisda habang namamalakaya ang mga ito sa boundary sa karagatan ng Perez, Quezon at Camarines Sur, ayon sa opisyal na ulat kahapon.

Ito ang kinumpirma ni Police Regional Office (PRO IV) A Director P/ Chief Supt Mao Aplasca, kung saan ang mga mangingisdang nakarekober ng naturang droga na kinilalang sina Jhony Merluza, Ruben Yanela, Ricky Coros at Cecilio Amargo ay pawang mga residente ng Barangay Pinagtubigan Este, Perez, Quezon.

Lumalabas sa impormasyon na noong Linggo ng gabi bandang alas-9:30 habang nangingisda, sakay ng kanilang motorized banca nang mamataan nila ang naturang container na palutang-lutang sa karagatan kung kaya kinuha nila umano ito at isinakay sa kanilang bangka.

Nang makarating sa pampang ay agad na ipinagbigay alam ng mga mangingisda ang kontrabando sa kanilang barangay chairman na si Leonardo Reyes na siya namang nag-report sa mga otoridad ng Perez, Quezon kung saan 27 pa­kete ng high grade cocaine tumambad sa kanila nang buksan ang container.

Tinatayang nagkakahalaga ng higit sa P6,000 ang bawat isang gramo ng nasabing iligal na droga na hinala ng pulisya na sa dagat na ipinupuslit ng mga sindikato ang mga ito makaraang magkakasunod na nasakote sa operasyon ang pagawaan ng droga sa Batangas at Malabon sa Maynila.

vuukle comment

HIGH GRADE COCAINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with