^

PM Sports

Bicolanang runner nagpasiklab

Francisco Cagape - Pang-masa
Bicolanang runner nagpasiklab
Leslie De Lima

VIGAN CITY, Philippines — Tumakbong nakapaa lamang, nakopo ni Leslie De Lima ng Bicol Region ang unang gintong medalya matapos pag-reynahan ang second girls 3,000-meter run kahapon sa unang araw ng aksyon sa 2018 Palarong Pambansa sa Elpidio Quirino Sports Complex dito.

Nagtala ang 13-anyos na si De Lima ng sampung minuto at 6.54 segundo para angkinin ang unang ginto mula sa me-dal-rich athletics. Puma-ngalawa naman si Camila Tubiano ng Northern Mindanao region sa 10:07.07 at nakuha ni Grace Tejones ng Western Visayas ang bronze medal sa 10:52.99.

“Mayroon naman akong sapatos pero mas kumportable akong tumakbo kung naka-paa para magaan lang. Maganda naman ang weather, hindi pa mas-yadong mainit,” sabi ng Grade VIII estudyante ng Baao National High School sa Camarines Sur.

Hindi inaasahan ng anak ng isang tricycle driver na manalo dahil sa nakaraang dalawang pagsali sa Palaro, tumapos lamang siya ng silver medal. Asam pa niya na dagdagan pa ng tatlo ang panalo sa iba niyang events na sa 800-m, 1,500-m at 4x400-m relay.

“Ito pa lamang ang unang gold ko kaya masaya talaga ako dahil sa nakaraang dalawang beses tumapos lang ako sa silver medal,” dagdag ni De Lima na taga-San Juan Camarines Sur.

Humataw din ng 6.96 meters si Algin Gomez ng Cagayan Valley para tuhugin ang gintong medalya sa secondary boys long jump at ibaon si James Oliver Melm ng Mimaropa region sa se-cond (6.88m) at ikatlo naman si Lowell Jay Batobalani ng Soccsksargen sa kanyang 6.76m.

Ang 17-anyos na si Gomez na taga Aparri, Caga-yan ay nanalo rin sa unang pagkakataon ng gold makaraang mag-silver lamang noong nakaraang taon. Isa siyang Grade 11 estudyante ng Far East National High School sa Aparri at sa ngayon ay inalok na ng scholarship sa tatlong universities sa Manila.

“Masaya talaga ako dahil ito lang talaga ang paraan na maiahon ko ang pamilya namin sa kahirapan kaya nagpursige ako. Tricycle driver lang ang tatay ko,” ayon kay Gomez na muling sasabak din sa triple jump at 4x100-m relay.

Sa ibang events, denomina ni Adrian Samudio ng NCR ang elementary boys triple jump sa 11.46-meter habang si Rashid Faith Burdeos ng Cagayan Valley ay nagwagi sa elementary girls shot put sa 10.13-m at ang kanyang teammate na si Christian Ampong ay nag-hari rin sa secondary boys javelin throw sa 58.51 meters.

Mahigit 12 gintong medalya mula sa athletics at 16 naman sa swimming ang paglalabanan sa pagpatuloy ngayon sa Palaro sa loob ng Quirino Sports Complex.

vuukle comment

LESLIE DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with