^

Metro

Bebot nag-suicide sa mall

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang hindi pa nakilalang babae ang umano’y nag-suicide matapos itong tumalon mula sa ika-apat na palapag ng isang malaking mall sa Edsa, Quezon City kahapon ng tanghali.

Ayon sa pahayag ng isang salesman sa mall ilang minuto bago ang insidente ay nakita pa niya ang nasabing babae na tila balisa at nakatingin sa ground floor.

Nabatid na dakong alas-12:00 ng tanghali nang mangyari ang insidente na ikinagim-bal ng mga mamimili sa mall.

Gayunman, ayon sa ilang testigo laking gulat nila nang bigla na lamang tumuntong sa isang puting upuan ang biktima saka biglang tumalon.

Naisugod pa sa pagamutan ang nasabing babae na tinatayang nasa 30-anyos.

Ayon sa pangasiwaan ng mall agad namang isinugod sa pagamutan ng kanilang Emergency Response Team ang babae pero idineklara na itong dead-on-arrival.

Kasalukuyan na ngayong iniimbestigahan ng Quezon City Police District ang kasong ito habang nakipagkoordinasyon na rin ang pangasiwaan ng mall sa pulisya sa pagsisiyasat sa kaso.

vuukle comment

SUICIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with