^

Bansa

Refund sa overcharging ng Grab ‘wag ipasa sa mga driver - solon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umapela si Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) partylist Rep. Jericho Nograles sa Grab na huwag ipasa sa mga driver ang kanilang obligasyon na i-refund ang P3.2 bilyon na illegal na nakolekta nila dahil sa over char­ging.

Sinabi ni Nograles, na hindi dapat gamitin ng Grab ang kanilang mga driver bilang panangga sa kanilang obligasyon para ibalik ang kanilang mga iligal na nakolekta mula sa sarili nilang bulsa.

Giit pa ng Kongresista, ang desisyon na iligal na mangolekta ng P2 kada minutong extra fee ay ginawa ng  Grab management at hindi ng kanilang mga driver.

Sa pagtaya ni Nograles, may utang sa kanilang mga mananakay ang Grab ng P3.24 bilyon dahil sa iligal na pangongo­lekta ng P2 kada minuto sa kanilang travel time simula noong Hunyo 2017.

“Kailangang habulin yang overcharging ng Grab, ‘pag ang mga taxi drivers, jeepney drivers at maski tricycle drivers ang nag-o-overcharge, hinahabol agad ng gob­                                yerno, ng LTFRB, ng pulis at traffic enforcer kaya dapat patas ang laban,” sabi ni Nograles. 

Ang dapat umano may malasakit sa lahat ng dri­vers at alalahanin na iba ang kaso ng overcharging ng Grab dahil inosente ang driver dahil yung operator na Grab ang nag-overcharge sa rider.

vuukle comment

GRAB

PARTYLIST REP. JERICHO NOGRALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with