^

PSN Showbiz

Juday pinagbintangang pabayang ina!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Juday  pinagbintangang pabayang ina!

Bumulusok ang galit

Ualis kahapon sina Ryan Agon­cil­lo at Ju­dy Ann Santos para sa three-in-one vacation nila sa Italy. Birthday ni Ryan noong April 11, wedding anniversary nila sa Apr. 28 at birthday ni Judy Ann sa May 11. One celebration na lang ang mag-asawa.

Sina Ryan at Judy Ann lang ang aalis dahil may pasok pa ang dalawang anak at ‘wag mag-alala ang mga mahilig makialam sa buhay ng mag-asawa, sa mabuting mga kamay nila iiwan ang tatlong anak.

Magbabakasyon at magba-bonding ang mag-asawa dahil pagbalik ni Judy Ann, may sisimulan itong teleserye sa ABS-CBN na ang sabi, wala siyang particular na leading man.

Samantala, sinagot ni Judy Ann ang nag-comment na may pantal sa mukha si Luna na parang ang pinalabas ay pinabayaan ito ni Judy Ann.

“Sige na nga...papansinin na kita...alam mo yung lamok? Hindi sya napapakiusapan at wala rin siyang favouritism...ganun din yung rashes.. ke anak ng artista o hindi nagkakaroon nun...lamok kaya ang pinakamatapang na insekto! Kahit president hindi inuurungan ng lamok...anak ko pa kaya? Gets?”

May isa pang sinagot si Judy Ann na nag-comment na bakit hindi tulungan ng aktres ang mahihirap sa bansa natin. Maiksi lang ang sagot ni Judy Ann na “hindi ko kasi ugaling i-promote kung sino at ano at saan kami nagbibigay ng tulong...)”

Rhian natikman na halos lahat ng lalaki sa serye!

Ten days mawawala si Rhian Ramos starting yesterday dahil magbabakasyon ito at ang kanyang pamilya sa Osaka, Japan. Nag-sorry si Rhian sa production staff ng The One That Got Away dahil hindi agad ito nakapagpaalam, pero hindi naman maapektuhan ang takbo ng story ng sexy rom-com series dahil may mga pondong episode sila. Saka, sa rami ng cast, sa iba muna ang focus ang story.

Kasama nina Rhian at family nito sa kanilang Japan trip ang boyfriend na si Jason, kaya magaan sa kanya ang kapareha sa TOTGA na si Jason Abalos.

“Parehong Jason ang name ng BF ko at partner ko sa show, kaya magaan at pareho ring ‘Boo’ ang tawagan namin. Happy kami ni Jason (Abalos) sa warm reception ng viewers sa love team namin. May chemistry nga siguro kami dahil kahit hindi kami nag-uusap before take, nagkakasabay ang kilos namin,” sabi ni Rhian.

Natatawa si Rhian sa karakter niyang si Zoe dahil halos lahat ng male cast nahalikan na niya from Dennis Trillo to Ivan Dorschner at pati guest.

Julie feeling proud kay Benjamin

Proud si Julie Anne San Jose na ang boyfriend na si Benjamin Alves uli ang ambassador ng GMA Network’s Execellence Award. May mga kumuwestiyon sa choice ng network na sinagot ni Benjamin, pero sapat na ang “Proud of you” comment ni Julie Anne.

Ang sagot ni Benjamin sa mga nagtata­nong, “Year after year, I am humbled and amazed at how talented and driven you kids are...The next award-winning documentary, news article, movie, or the world’s greatest invention (even my next cellphone), can come from you. So thank you for letting me meet you before you go and excel yet again, even beyond excellence.”

Samantala, sunod na mapapanood si Benjamin sa Afternoon Prime ng GMA 7 na Karibal Ko Ang Aking Ina. Curious ang fans kung sino kina Sunshine Cruz atBea Binene ang magiging love interest dito ni Benjamin.

vuukle comment

JU­DY ANN SANTOS

RYAN AGON­CIL­LO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with