^

Metro

‘Sangguniang Kabataan poll winners sanayin sa government accounting laws’ - Joy Belmonte

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dapat isalang sa seminar ang mga mananalong kandidato sa halalan sa Sangguniang Kabataan (SK) - lalo na  ang mga “first-timers” – tungkol sa government financial system.

Ito ang sinabi ni Quezon City Vice mayor Joy Belmonte dahil dapat anyang  maging rekisitos ito sa lahat ng mga opisyal ng SK dahil hahawak sila ng pondo ng pamahalaan.

“Dapat meron silang  pag­sasanay sa tamang accoun-ting at pangangasiwa sa pera at administrasyon kabilang ang mga kinauukulang batas. Dapat batid nila kung paano pumasok sa mga kontrata at tamang pagga­mit ng pondo ng gob­­yerno para hindi sila nadidik­tahan ng matatanda,” paliwanag ni Belmonte.

Bukod pa sa pagkakaroon ng kaalaman sa pananalapi ng pamahalaan, dapat din aniyang maimulat sa mga kabataang lider sa kahalagahan ng accounta­bility at transparency.

Tiniyak din ni Belmonte   na suportado niya ang pamahalaan sa patuloy nitong kampanya na linisin ang hanay ng SK na nasasangkot pa rin sa iba’t ibang isyu ng katiwalian.

“Sa mga kabataan, we really have to work on their idealism and to the baran­gay officials, they should rea­l­ly set a good example to these youth leaders,” diin ni Belmonte.

Ayon pa  rito,  mahalaga ring mabigyan ang mga taga-SK ng “project menu” na nakasaad ang mga pr­o­yekto at programang mas dapat nilang pagtuunan ng pansin.

Una nang inanunsyo ni Belmonte na magsasagawa siya ng seminar para sa mga kabataang nagnanais tumakbo sa halalan sa SK sa darating na Mayo.

Ayon kay Belmonte, panahon na upang gumawa ng paraan ang lokal na pamahalaan upang malinis ang hanay ng SK at mailayo ito sa katiwalian.

vuukle comment

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with