^

Metro

Bilang ng nasawing preso sa Metro Manila umabot na sa 40

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan kahapon si National Capital Regio-nal Police Office (NCRPO) Chief, P/Director Oscar Albayalde sa mga korte sa Metro Manila na pabilisin ang paglalabas ng ‘commitment order’ upang mailipat ang mga bilanggo na nagsisiksikan sa mga kulungan ng mga presinto ng pulisya sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) o Bureau of Corrections (BuCor).

 Ito ay makaraang sa-  bihin ni Albayalde na nasa 40 inmates na ang nasasawi sa iba’t ibang kulu-ngan sa Metro Manila mula noong Hulyo 2016 dahil sa pagkakasakit dulot ng sobrang siksikan.

Nitong nakaraang Miyerkules, isang inmate ng Pasay City Detention Center ang nasawi habang pito pa ang nawalan ng malay habang isa ring bilanggo ang nasawi sa Caloocan City Detention Center at tatlo ang hinimatay nitong nakaraang Martes dahil sa sobrang siksikan.

 Pinakaimportante umano ang pagpapabilis ng pagpapalabas ng ‘commitment order’ para mapaluwag ang mga bilangguan sa mga istasyon. 

Tumutugon naman uma­no ang lokal na mga pamahalaan para maisaayos ang kundisyon ng mga bilangguan.  Sa Pasay City, may plano nang ilipat ang Pasay City Police kasama ang bilangguan sa mas maluwag na lugar na maaaring maum-pisahan ngayong taon. 

 Sa Caloocan City, plano rin ni Mayor Oscar Malapitan na magtayo ng bagong Caloocan City Jail sa mga bakanteng lupa sa North Caloocan at ilipat din ang Caloocan City Police Headquarters sa mas maluwag na lugar makaraang masunog ito kamakailan.  Hinahanapan pa umano ng lugar sa lungsod ang pagtatayuan ng bagong istasyon ng pulisya at bilangguan.

 Samantala, makaraang isang preso ang nasawi, ibinilad sa araw at pinag-ehersisyo kahapon ang nasa 157 inmates ng Pasay City Detention Center kahapon ng umaga. Hinati-hati sa tig-30 ang mga inmates na halinhinang inilabas ng bilangguan para mag-ehersisyo.

Gagawin umano nilang regular ang pag-eehersisyo ng mga preso kada linggo para mapalakas ang resis­tensya habang nagkabit na rin ng tatlong malalaking exhaust fan para mapresku-han ang mga inmates.

vuukle comment

NATIONAL CAPITAL REGIO-NAL POLICE OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with