^

Metro

Babaeng OFW na binanlian ng amo, makakauwi na

Danilo Garcia, Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Makakauwi na ng Pilipinas ngayong Biyernes ang Pinay OFW (Overseas Filipino Worker) sa Saudi Arabia na binuhusan ng kumukulong tubig ng isa sa kanyang amo, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa pahayag ng DFA, inaasahang makalilipad na pabalik ng Pilipinas ang 30-anyos na si Pahima Alagasi nitong Huwebes ng gabi makaraang makahingi ng tulong ang Embahada ng Pilipinas sa Riyadh mula sa pamahalaan ng Saudi Arabia.

“Sa wakas, makaraan ang apat na taon, mayayakap muli ni Pahima ang kanyang mga anak na iniwan niya sa Mindanao,” ayon kay Ambassador to Riyadh Adnan Alonto.

Sa rekord, umalis ng Pilipinas si Alagasi noong Marso 2014 upang magtrabaho bilang ‘domestic helper’ sa Riyadh.  Hindi pa nagtatagal sa paninilbihan, humingi na ng saklolo sa Embahada si Alagasi makaraan ang dalawang buwan matapos na buhusan siya ng kumukulong tubig sa likod ng ina ng kanyang employer.

Tinulungan naman ng Embahada si Alagasi na magsampa ng kasong ‘maltreatment’ laban sa amo ngunit naibasura ang kaso nang mabigo na patunayan ang alegasyon.  Hindi naman agad nakauwi at nanatili si Alagasi sa Bahay Kalinga ng embahada sa loob ng apat na taon dahil sa isinampang kaso ng kanyang employer.

Pinasalamatan ni Alonto ang tulong ni Interior Minister Prince Abdulaziz Bin Saud Bin Naif na nag-apruba ang ‘final exit’ ni Alagasi sa Saudi.

Ibinigay naman ng pamahalaan ang dalawang buwang suweldo ni Alagasi na pinagserbisyuhan niya habang inaasahan din na mabibigyan pa siya ng iba pang tulong ng pamahalaan sa kanyang paglapag ngayong Biyernes sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

OVERSEAS FILIPINO WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with