^

Pang Movies

Jinggoy tuloy ang pagsabak sa senado, JV binuweltahan!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Jinggoy tuloy ang pagsabak sa senado, JV binuweltahan!
Jinggoy at JV

Kinumpirma ni former Senator Jinggoy Estrada na kakandidato siya na senador sa 2019 kaya asking ang fans sa mangyayari sa political career ng kanyang half-brother, ang incumbent senator na si JV Ejercito.

Malaki ang tsansa na manalo si Jinggoy dahil hindi siya nawawala sa Top 7 ng mga survey tungkol sa mga senatoriable na pinapaboran na manalo sa eleksyon sa susunod na taon.

Nasa 11th slot naman ng mga survey si JV pero isa lang ang puwede na kumandidato sa kanila dahil ito ang kagustuhan ng tatay nila, si Manila City Mayor Joseph Estrada.

Napabalita noong Holy Week na baka tumakbo si Jinggoy na gobernador ng Laguna sa 2019 pero ang kumpirmasyon niya na kakandidato siya na senador ang the truth ang nothing but.

Parang teleserye na sinusubaybayan ang kuwento ng mga political career nina Jinggoy at JV dahil sa mga balita na hindi sila super close.

Hindi naman itinatanggi ni Jinggoy na offended siya sa mga pralala ni JV.

Pinabulaanan ni Jinggoy ang mga diumano’y patama sa kanya ni JV na kakandidato uli siya na senador para ma-vindicate.

Nilinaw ni Jinggoy na hindi self-interest ang dahilan ng plano ng pagkandidato niya, tulad ng sinasabi ni JV. Ang reaksyon ni JV tungkol sa announcement ni Jinggoy na tatakbo ito na senador ang inaabangan ng mga sumusubaybay sa love-hate relationship ng half-brothers.

Benjamin pinapapayat si Julie Anne

Paligsahan sa pagpapapayat ang mag-dyowang Julie Anne San Jose at Benjamin Alves.

Feel ko na malakas ang impluwensya ni Benjamin kay Julie Anne at siya ang nag-convince sa girlfriend niya na maging fitness buff.

Physically fit si Julie Anne nang umapir ito sa presscon ng 3 Stars, 1 Heart. Mala­yong-malayo sa Julie Anne na medyo chubby noong hindi pa niya boyfriend si Benjamin na super payat din ngayon.

Ang 3 Stars, 1 Heart ang concert nina Julie Anne, Regine Velasquez at Christian Bautista sa CSI Stadia sa Dagupan City sa darating na Sabado, April 14.

Sinusuportahan ni Benjamin ang lahat ng mga concert ni Julie Anne. Ewan ko lang kung bibiyahe siya sa Dagupan sa Sabado para panoorin ang concert ng dyowa niya.

Enzo hindi na ginagamit ang impluwensiya ng mga magulang

Happy ako para kay Enzo Pineda dahil hindi siya nawawalan ng mga television show at pelikula.

Starring si Enzo sa Da One That Ghost Away ng Star Cinema, ang ika-walong pelikula na ginawa niya mula nang sumali siya sa Starstruck V noong 2009.

Mabait, disente at magalang na bata si Enzo na never na nagbigay ng problem sa production staff at sa co-workers niya dahil professional siya.

Maganda ang pagpapalaki kay Enzo ng kanyang mga magulang na sina Eric at Macy Pineda. Knows ng lahat na si Eric ang business manager ni Senator Manny Pacquiao.

Nagbubunga na ang mga pagsisikap ni Enzo. Hindi na siya puwedeng pagbintangan na ginamit ang impluwensya ng kanyang mga magulang para maka-penetrate sa showbiz.

Hindi ko na nakikita si Enzo mula nang mag-ober da bakod siya sa ABS CBN pero happy talaga ako sa mga magandang nangyayari sa showbiz career niya.

I’m sure, tikom na ang mga bibig ng detractors ni Enzo na nagbigay noon ng taning sa kanyang acting career.

vuukle comment

JINGGOY ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with