^

Pang Movies

Vice Ganda, nahihirapan pa rin dahil sa kidney stones

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Vice Ganda, nahihirapan pa rin dahil sa kidney stones
Vice Ganda

Nakausap namin kahapon ang isang malapit kay Vice Ganda at hanggang ngayon pala ay patuloy pa rin ang pagpapagamot ng TV host/comedian dahil sa kanyang kidney stones.

Kung matatandaan, noong February ay napa­balitang inoperahan si Vice dahil sa kidney stones, pero nilinaw naman ng isang malapit sa kanya na Shock Wave Lithrotripsy ang ginawa sa kanya at hindi naman operasyon.

Nilagyan din daw siya ng stents (o tubo), para tuluyang mawala ang kidney stones at sa check-up nga sa kanya last week, nawala na raw ‘yung malaking kidney stone, pero may mga maliliit na naiwan pa.

“Kalat-kalat kasi ‘yung malilit na kidney stones, kaya hindi pa tinanggal ‘yung stents. Bale may check-up uli siya this week,” sabi ng taong malapit kay Vice.

Ang kidney stones nga raw ang dahilan kung bakit nahihirapan ang TV host/comedian sa kanyang araw-araw na trabaho sa It’s Showtime.

Kahapon nga sa kanilang noontime show ay hiniling ni Vice na ipagdasal siya ng lahat para maging okey na siya dahil hindi nga raw siya mas­yadong makagalaw.

Kahit daw sa pagsasayaw, hirap si Vice, kaya hindi na niya ‘yon nagagawa pa. Pati ang pakikipag­harutan sa kanyang mga kasama­han sa It’s Showtime ay hindi rin daw niya masyadong magawa da­hil kapag ginagawa na niya at tumatawa na siya ay ramdam na ram­dam niya ‘yung sakit na dulot ng kidney stones.

Ang nararamdaman daw na ‘yon ang dahilan kung bakit may mga pagkakataon na uma-absent siya sa It’s Showtime o kaya naman ay nale-late at wala sa opening ng kanilang show.

Sana nga raw ay hu­wag isipin ng viewers ng It’s Showtime na umaarte siya at ayaw lang sumama sa ope­ning segment ng show.

“Nahihirapan po ako!” paliwanag pa ni Vice.

May ibang supporters naman si Vice na ipinagno-novena pa siya dahil sa kanyang sakit na nararamdaman.

Sarah nakarampa agad sa birthday bash ni Vice

Palagi naming nakakatsikahan ang mag-fiancé na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, pero ang taong malapit pa kay Vice ang nakapagkuwento sa amin na nasa surprise party kamakailan ng TV host/comedian ang dalawa.

“Um-attend sina Chard at Sarah,” kuwento ng kausap namin.

Sa The Island (dating The Palace Pool Club) ginanap ang surprise birthday party ni Vice.

March 31 ang talagang birthday ng TV host/comedian, pero Sabado de Gloria ‘yon, kaya hindi siya nag-party ng araw na ‘yon.

Jennylyn at Dennis hindi na nagtatago!

Si Jennylyn Mercado ang obviously ay pinakamasaya sa lahat ng Kapuso stars na kasama sa New Jersey, USA at Toronto, Canada shows ng GMA PinoyTV dahil kasama rin doon ang boyfriend niyang si Dennis Trillo.

Very open naman sina Jennylyn at Dennis na sobrang masaya ang kanilang relasyon.

Ang alam namin, hindi nga lang sila puwedeng mag-extend doon dahil nagte-ta­ping na nga si Jennylyn para sa The Cure, ang soon to air primetime series nila ni Tom Rodriguez at si Dennis naman ay on-going ang taping para The One That Got Away romantic-comedy series niya sa GMA 7.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with