^

Police Metro

Intsik dinedo ng nakakotse

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 24-anyos na Chinese national nang barilin ito habang naglalakad ng  mga suspek na sakay ng kotse sa Makati City kahapon.

Ang nasawi dahil sa tama ng bala ng kalibre 45 baril ay kinilalang si Andy Bai, Information Technology  (IT) engineer  at residente ng 11G One Central, Brgy. Bel-Air.

Batay sa ulat, dakong alas-3:10 ng madaling araw ay naglalakad ang biktima kasama ang kaibigan na si Jason Tan, 25, sa L.P. Leviste St., Salcedo  Village, Brgy. Bel-Air patungong carpark nang sumulpot ang isang kotse na lulan ang mga suspect at ang isa dito na  armado ng baril at walang salitang binaril sa tiyan ang biktima.

Mabilis na tumakas ang mga suspek  sakay  ng isang kulay puting Sedan  na may plakang NSO-950.

Dinala ni Tan ang biktima sa ospital, subalit namatay ito habang nilalapatan ng lunas.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen at sino ang mga suspek.

vuukle comment

CHINESE NATIONAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with