^

PSN Showbiz

Pero kita sa internet wala raw binatbat, Kris wala nang pakialam sa rating!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Pero kita sa internet wala raw binatbat, Kris wala nang pakialam sa rating!

Kris Aquino

Kung noon sa TV rating nakikipag-bakbakan si Kris Aquino, ngayon sa number of views na lang bilang mas active ang career niya sa Facebook (digital) kesa sa TV.

The other day ay nagpasalamat si Kris sa mga nanood ng kanyang Facebook Live na umabot umano ng 500,000 kung saan naging opening salvo niya si Maine Mendoza.

“It was a leap of faith to launch w/ no advanced promotions or publicity BUT thank you! My 1st FB Live w/@mainedcm already has 500,000 views.

“Thank you to my longtime IG Friends, the video I posted for #krismeetsmaine now has 156,524.

“To my new family, APT (we are still waiting for SEC approval for our new corporation’s name)- THANK YOU for embarking on this journey to live, love & learn w/ me.  #thisisREAL,” sabi ni Kris sa kanyang post sa Instagram na naghahanda na sa kanyang susunod na digital episode.

Dati pataasan ng rating ang labanan sa career ni Kris, ngayon kakaiba na.

Pero paano kaya siya kikita ng milyun-milyon sa digital ang show niya? Noon kasi malinaw na sa mga sponsor pa lang, milyun-milyon na ang iniaakyat ng kanyang show hindi lang sa kanya kundi sa kanyang home studio, ang ABS-CBN.

Eh sa digital balitang ibang-iba ang rate kesa sa advertisement sa TV. Ang layu-layo raw ng difference. Hindi ganun kalaki ang value dahil iba ang market.

Eh malaki-laki na rin ang capital ni Kris dahil siya mismo ang nagbalita sa kanyang social media account din na namili siya ng mga equipment para sa nasabing digital show niya.

 

Brandon Vera

Brandon Vera gusto na ring maging Senador

Masundan kaya ng Fil-American heavyweight champion Brandon Vera ang naging kapalaran ni Manny Pacquiao sa Senado?

Pinag-uusapan kasi kahapon ang sinabi ng Fil-Am fighter na pinatumba ang kalaban sa MOA noong nakaraang gabi na interesado siya na kumandidatong senador sa 2019. 

“I have lots of dreams here in the Philippines, most of all to help people in the province. So let’s see what I can do after my fighting career. I would like to run for senator. I want to run for Senate in 2019. I want to help the people, I want to help the provinces. Nobody is looking into the provinces,” ang naging pahayag nito.

“My politics is different. I won’t put up with (expletive) I’ll slap you. I’m really different so we’ll see. I’m just following Manny Pacquiao’s lead. It’s really nice watching Pacquiao in Senate hearings and listening to him speak because he’s not scared to say whatever he feels like saying,” dagdag pa nito.

Bago ang naturang laban ni Vera ay pabalik-balik na siya sa bansa. Madalas siyang nagti-training sa Spartacus Gym sa may V. Luna. May gagawin din siyang movie with Anne Curtis. So bahagi na kaya ito ng kanyang plano na maging pulitiko?

Kalalakihan ang karaniwang nakakakilala kay Brandon dahil sa kanyang pagiging MMA Champion na kamakailan ay pumirma ng kontrata sa ONE FC. Dati siyang nakikipagbakbakan sa UFC and WEC.

May mga nagha-handle ng career ni Brandon na taga-showbiz kaya nagiging visible ito sa ilang showbiz events tuwing darating ng bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with