^

Police Metro

Misis, 5 anak hinostage ng adik na mister

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mahigit na walong oras hinostage ng isang mister ang kanyang misis at limang anak sa naganap na hostage drama sa Danao City, Cebu.

Sa ulat ng Danao City Police, bandang  alas-11:00 ng gabi noong Huwebes nang mag-umpisa ang pangho-hostage ng suspek na si Eduardo Durano, 50-anyos sa kaniyang mag-iina.

Bago ito ay hinahabol ng mga otoridad si Durano nang magdala ito ng baril sa poblacion kung saan nagtatakbo ito at nagtago  sa kanilang bahay sa Brgy. Tabok at dito ay  hinostage ang kaniyang misis at limang anak na nagkakaedad 12 hanggang 21-anyos  gamit ang cal. 45 pistol.

Habang isinasagawa ang negosasyon ay pinawalan ni Durano ang kaniyang misis at dalawang anak na nagkakaedad 21 at 18 anyos, pero naiwan sa loob ng kanilang bahay ang tatlo pa niyang anak.

Matapos  ang ilang oras na negosasyon ay napahinuhod rin ang suspek na sumuko sa pulisya at pawalan ang kaniyang mga anak at nagwakas dakong alas- 8:20 ng umaga kahapon.

Nasamsam mula sa sasakyan ng suspek ang isang rifle grenade, drug paraphernalia at ilang sachet ng shabu.

vuukle comment

BRGY

CEBU

DANAO CITY

DANAO CITY POLICE

DURANO

EDUARDO DURANO

HABANG

HUWEBES

MAHIGIT

MATAPOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with