^

Punto Mo

Arigatogozaimashita Tata Rico!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

NAGPAPASALAMAT ang pamilya ko kay Enrico Mallanes Onquit dahil sa pagkalinga niya sa amin nang magbakasyon kami sa Japan. Si Onquit ay kilala bilang Tata Rico sa Pinoy FM Radyo Tokyo at maraming tagahanga hindi lang sa Japan kundi maging sa ibang panig ng mundo. Si Tata Rico mga kosa ay matagal kung kasama sa Philippine Journalist Inc. na nagpa-publish ng People’s Journal, People’s Tonight, People’s Taliba at News Extra. Nagsama rin kami sa News Today bago ako lumipat sa Philippine Star at siya naman ay sa Balita at sa DZRH. Hindi na nagkrus ang landas namin ni Tata Rico hanggang sa mag-message siya sa akin sa Facebook na nandoon na siya sa Japan. Tumira kami sa apartment niya sa Naka-Meguro sa Tokyo at si Tata Rico ang nagturo sa amin kung paano bumili ng tiket sa tren sa pagsadya namin sa Disneyland sa Tokyo. Sinabayan pa niya kami sa Ebisu para turuang bumili ng tiket sa Shinkansen o dating bullet train, sa biyahe naman sa Osaka para sa Universal Studios. Pagbalik namin sa Tokyo, inilibot kami ni Tata Rico sa Tokyo Tower, Philippine Embassy, Ambassador’s residence at sa Imperial Palace. At nang pauwi na kami, sinabayan kami ni Tata Rico sa Kamata kung saan nagkita kami ng US Navy serviceman na si Jonny Victorio Garcia at kapwa nating Pinoy sa isang hangout na may sayaw pang Zumba at konting inuman. Hanggang Kaneda airport kami inihatid ni Tata Rico. Oh di ba service deluxe ‘yan mga kosa? Siyempre, nais din naming pasalamatan sina Josel Palma, ang kababayan kong taga-Passi, Iloilo at Justina Hazama, na taga-Ilocos, na nag-sponsor sa amin ng dinner sa isang restaurant. Sa muli Arigatogozaimashita Tata Rico. Sa mauulit!

• • • • • •

Nagpalabas ng P11.3 bilyon na cash loan ang Pag-IBIG sa ating kababayang Pinoy sa 1st Quarter ng 2017. Ayon kay Acmad Rizaldy Moti, officer-in-charge ng Pag-IBIG ang cash loans sa ilalim ng Multi-Purpose Loan Program (MPL) ay natulungan ang 520,000 nilang miyembro sa kanilang pang-araw-araw na gastusin. Ang kabuuang cash loans ay tumaas ng 15 porsiyento sa pigura noong 2016, at ang mga nangutang ay galing karamihan sa low-income brackets. Itong MPL ay isa lamang sa programa ng Pag-IBIG sa kampanya ni President Duterte para iangat ang kabuhayan ng minimum at low-wage earners, ani Moti. Hehehe! Ano pa ang hinihintay n’yo mga kosa? Mangutang na sa pag-ibig para makatulong tayo na maisulong ang mga programa ni Digong.

Sa ilalim ng MPL program ng PAG-IBIG, ang isang miyembro ay puwedeng mangutang ng aabot sa 80 porsiyento ng kanilang contribution sa pondo. Puwedeng gamitin ng mga miyembro ang kanilang cash loans bilang tuition ng kani-kanilang anak, medical expenses, pambili ng kung anu-anong kasangkapan at pagpagawa ng bahay at iba pang pagkagastusan. Hehehe! Marami palang maitulong ang Pag-IBIG sa kanilang miyembro kaya dapat sumali na rito ang mga kababayan nating low-wage earners, di ba mga kosa? Tumpak!

Sinabi naman ni Alexander Hilario Aguilar, ang acting Chief Executive Office (CEO) ng Pag-IBIG na maliban sa P11.3 bilyon cash loans, nagpalabas din ang kanilang opisina ng karagdagang P759 milyon bilang calamity loans sa 2017. Ang calamity loan ay nakatulong din sa 53,401 nilang miyembro, lalo na ‘yung taga-Bicol at Southern Tagalog, na naapektuhan ng bagyo noong nakaraang Disyembre. Ang miyembro ay maaring mag-avail ng calamity loan para sa pagpagawa ng nasira nilang bahay at tulungan ang pamilya nilang makarekober sa kalamidad, ani Aguilar. Ayon pa kay Aguilar, ang miyembro na nakatira sa apektadong lugar ay puwede nang mag-aaply ng calamity loan matapos ang 90 araw na pagdeklarang state of calamity ang kanilang lugar.

Sinabi pa ni Moti na ang kanyang opisina ay pinag-aralan pa ang ibang option para maging responsive at accessible sa publiko ang MPL at calamity loan

Tinitiyak ni Moti na sa taong ito ay magiging mabilis at mahusay ang proseso para sa loan applications ng Pag-IBIG members. Get’s n’yo mga kosa? Abangan!

 

vuukle comment

ONQUIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with