^

PM Sports

3 probinsya gustong maging host ng PBA All-Star

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa kabila ng patuloy na paglobo ng mga kaso ng coronavirus di­sease (COVID-19) sa bansa bunga ng Omicron v­ariant ay tatlong probinsya ang nagpahayag ng interes na maging host ng PBA All-Star Game.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, hindi alintana ng nasabing mga probinsya ang pandemya sa hangaring mabigyan ng kasiyahan ang kanilang mga mamamayan.

“Sabi namin, hindi ba kayo malulugi (since we’re in trying times). Sabi nila, ‘hindi, sabik na sabik na ang fans sa PBA,’” wika ni Marcial.

Sakaling matuloy ang PBA All-Star Game ay inaasahang gagawin ito na may limitadong live a­udience at mahigpit na ipagbabawal ang pakikihalubilo ng mga fans sa mga iniidolo nilang pla­yers.

Nauna nang itinakda ng PBA ang All-Star Extravaganza noong 2020 sa Passi, Iloilo, ngunit nadiskaril nang magkaroon ng pandemya.

Huling naisagawa ng liga ang nasabing event noong 2019 sa Calasiao, Pangasinan kung saan pinatumba ng North All Stars ang South team, 185-170, tampok ang pagiging co-MVPs nina Ar­wind Santos ng San Miguel Beer at Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra.

“Kailangan namin ang All-Star Game, diyan kami humuhugot ng pondo para sa Players Trust Fund,” sabi ni Marcial.

Ang scholarship para sa mga anak ng retired PBA players ay nagmumula sa Players Trust Fund.

Maaaring matalakay ang All-Star Game sa krusyal na pulong ng PBA Board of Governors sa susunod na linggo kung saan pagdedesis­yunan kung itutuloy o kakanselahin ang 2021-2022 Governors’ Cup.

Huling naglaro ang PBA noong Disyembre 26 na may limitadong live audience sa Smart Araneta Coliseum.

Inendorso na ni Ga­mes and Amusements Board (GAB) chairman Abraham ‘Baham’ Mitra sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpapatuloy ng PBA sa kanilang torneo sa isang home-venue-home set-up.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with