^

Punto Mo

PCSO, handang-handa para sa bagyong Betty!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Humina man ang bagyong Betty subalit tuloy pa rin ang paghahanda ni PCSO General Manager Mel Robles sa relief operations ng ahensiya sa buong Pinas.

Sinabi ng PAGASA na hindi na supertyphoon ang Betty, at naging typhoon na lang ito kaya lang maghahatak pa ito ng Habagat sa iba’t ibang parte ng bansa. Ganunman, inutusan ni Robles ang lahat ng sangay ng PCSO at mga Small Town Lottery (STL) Authorized Agency Centers (ACCs), lalo na sa Northern Luzon, na magprepara para mamigay ng ayuda sa lahat ng lugar na aabutin ng bagyong Betty. Dipugaaaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan/?

Itong paghahanda ng PCSO ay alinsunod sa kautusan ni President Bongbong Marcos na magiging handa ang mga ahensiya ng gobyerno para sa malakihang relief operations sa mga lugar na apektado ng bagyo. Dahil kasama sa mandato ng PCSO ang magbigay ng tulong, bilang charitable arm ng gobyerno, tumalima kaagad si Robles sa kautusan ni BBM. Eh di wow! “We understand the importance of preparedness, and our branch offices will be in constant coordination with local organizations and government units for effective response and distribution of assistance,” ani Robles. Mismooooo!

“We have a direct presence in the provinces or towns and are in contact with parallel organizations that can assist the local government units to ensure timely distribution of relief services and necessities to the affected communities,” ang dugtong pa ni Robles. “We will continuously monitor and assess the situation to ensure that our aid efforts are aligned with the needs of the affected communities,” ayon pa kay Robles. Dipugaaaaa. Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa? Ano pa nga ba?

Sa totoo lang, nababalita pa lang ang pagdating ng bagyo, abayyyyy ang main office ng PCSO sa Mandaluyong City ay nagsimula nang maghanda ng libu-libong food packs, na may lamang bigas at relief goods. Ipinadala kaagad ito sa kanilang sangay sa Cagayan, Benguet, at sa ACCs ng STL sa Baguio, Pangasinan, Cagayan, Ilocos Norte, La Union, Kalinga at Olongapo City, na ayon sa Pag-asa ay mga lugar na dadaanan ng

Hindi lang ‘yan! Bilang parte ng kanilang Medical Assistance Program (MAP), ang PCSO ay handa ding magbigay ng medical assistance sa lahat ng Pinoy na maaring masugatan o maospital tuwing may kalamidad at disaster. Wow! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Bilang karagdagang tulong, ang PCSO ay magbibigay din ng calamity funds para asistihan ang mga apektadong komunidad para tulungan silang umangat sa devastation ng bagyo o natural calamities. Dipugaaaaa!

O hayan mga kosa, diyan napupunta ang beinte pesos n’yo na itinataya sa Lotto at iba pang palaro ng PCSO. Hindi man kayo naging milyonaryo subalit nakakataba ng puso na nakakatulong kayo hindi lang sa mga mahihirap, kundi maging sa mga nasalanta ng bagyo o kalamidad. Abangan!

vuukle comment

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with