^

Bansa

3K pulis sa Central Luzon full alert na kay Betty

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3K pulis sa Central Luzon full alert na kay Betty
Sinabi ni PRO 3 Director P/Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., nasa 3,000 pulis ang naka-standby para sa disaster response sa mga lalawigang nasasaklaw ng Central Luzon.
Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Isinailalim na sa full alert status ang Police Regional Office (PRO) 3 kaugnay ng pinangangambahang matinding epekto ni super typhoon Betty sa Central Luzon.

Sinabi ni PRO 3 Director P/Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., nasa 3,000 pulis ang naka-standby para sa disaster response sa mga lalawigang nasasaklaw ng Central Luzon.

Kabilang dito ang Aurora, Nueva Ecija, Zambales, Tarlac, Pampanga at Bulacan na posibleng bayuhin rin ng matitinding pag-ulan at malakas na hangin ng bagyo.

Inihayag ni Hidalgo na, nakahanda na ang kanilang mga tauhan para sa disaster response ­operations kung saan nakikipag-ugnayan na sila sa lokal na Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) para tiyakin ang kaligtasan ng publiko.

“I have instructed all unit commanders to conduct pre-deployment briefing to our men on the ground for precautionary measures as we also want our personnel to be safe during natural disasters and emergencies,” ayon sa opisyal.

Umapela rin si Hidalgo sa publiko partikular na ang mga naninirahan sa mababang lugar na delikado sa flashflood at maging sa mga landslide na makipagkooperasyon sa disaster preparedness ng lokal na pamahalaan.

Binigyang diin nito na kung kinakailangang lumikas ay tumalima upang maiwasan ang mas ma­tinding pinsala na maaring idulot ng kalamidad.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with