^

Bansa

Pagtutulungan ng komunidad ang kailangan para matuldukan ang child abuse online

Pilipino Star Ngayon
Pagtutulungan ng komunidad ang kailangan para matuldukan ang child abuse online
Ang adbokasiya, kasama ng social and behavioral campaigns ang panimulang hakbang, pero kailangan ang komunidad para manatiling umiiral ito upang matuldukan ang OSAEC cycle.
Photo Release

MANILA, Philippines — Ang Pilipinas ay minarkahan na sentro ng child abuse at sentro ng produksiyon ng malalaswang content, at ang pinakamainam na hakbang para maresolba ang problema sa online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) sa bansa ay ang pagkakaroon ng nagkakaisang hakbang sa hanay ng mga sektor laban dito. 

Ito ang nagkakaisang mensahe ng mga speaker at panelist na kabahagi sa inorganisang webinar ng Globe para sa Safer Internet Day na isinagawa noong Pebrero 8. Ito ay in partnership with UNICEF, Internet Watch Foundation, CitizenWatch, at Bantay Konsumer, Kuryente, Kalsada.

Para sa UNICEF ang OSAEC ay anumang hakbang ng pagsasamantala na ginagawa laban sa sinumang bata, na dumanas ng pang-aabuso sa online environment.

Sinabi ni Yoly Crisanto, chief sustainability officer ng Globe, ang naturang webinar ay isa sa mga hakbang kung saan nabibigay-katuparan ng Globe ang commitment nito para sa higit na ligtas na internet space, lalo na para sa mga bata, sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman sa publiko—na consumer nito.

“Bilang digital solution group, batid ng Globe ang pangangailangan sa pagkakaroon ng mas ligtas na online space para sa lahat, kung kaya ginugunita ang Safer Internet Day, kalakip ang layunin na maiangat ang kamalayan at maturuan ang mga consumers kung paano natin mapipigilan ang patuloy na pagtaas ng OSAEC sa Pilipinas, at protektahan ang mga bata mula sa iba pang mga panganib ng online violence and exploitation,” ayon pa kay Crisanto.

Kalagayan sa Pilipinas

Isa sa dalawang bata ay biktima ng pang-aabuso, ayon sa United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF). 

Base sa 2016 CWC National Baseline Study on Violence Against Children, sinabi ni UNICEF Philippines children protection officer Ramil Anton Villafranca na apat sa limang mga batang Pilipino ay nakararanas ng kahit na anong uri ng karahasan, at isa sa dalawang mga bata ay nakararanas ng violence online, alin man sa sexual violence o cyber-bullying.

Binanggit din ni Villafranca ang ulat ng US-based National Center for Missing and Exploited Children kaugnay sa 209% na pagtaas ng cyber tip reports para sa Pilipinas, mula Enero hanggang Disyembre ng 2020 (1, 294, 750 cyber tips) kumpara sa 2019 (418, 422 cyber tips), na pawang nangyari habang umiiral ang COVID-19 pandemic.

Sinabi pa ni Villafranca ang tungkol sa Anti-Money Laundering Council, na noong 2020 iniulat ang 156% na pagtaas ng mga kahina-hinalang mga transaksiyon na may kaugnayan sa child sexual abuse and exploitation, na nagkakahalaga ng P113 milyong piso, mula 2019 hanggang sa kalagitnaan ng 2020.

Taong 2018, ang Office of Cybercrime ng Department of Justice ay nakatanggap ng 579, 006 cyber tips kaugnay sa online sharing, re-resharing at pagbebenta ng mga larawan at child sexual abuse videos. Noong 2019, naitala naman ang 418, 422 cyber tips at sa taong 2020, nakita ang 265% na pagtaas nito mula nang magsimula ang lockdowns nang bumulaga ang COVID-19 pandemic.

Mga hamon

Pangunahing sanhi ng paglaganap ng OSAEC ay ang kahirapan at sa Pilipinas, mataas ang kaso nito, sa urban man o rural areas, ayon sa UNICEF.

Ito ang dahilan kung kaya ang mga awtoridad ay nakapagtala ng pagtaas sa napaulat na mga kaso, sa pagsisimula ng COVID-19 pandemic kung kailan maraming tao ang nawalan ng trabaho sanhi ng pagsasara ng mga kumpanya dahil sa paglugi, na resulta na rin ng mga restrictions.

Ang iba pang dahilan ay kinabibilangan ng mga pagbabago sa parenting dynamics, migration, at ang mataas na kakayahan sa paggamit ng wikang Ingles ng mga Filipino, na pawang iniulat na dahilan kung kaya mas madali para sa mga perpetrators ang makipag-ugnayan sa kanilang potential victims.

Kahit pa naoobserbahan ang umiiral na mga kaugalian sa Pilipinas, hindi ito nakatulong dahil naging mahirap makapanghimasok, kabilang dito ang “My child, my property” mentality, ang paniniwala na “Wala namang physical contact” at “Isa itong private affair” na pangangatuwiran.

Itinuro rin ng UNICEF ang marupok na pagpapatupad ng mga existing laws, ang hangganan ng wiretapping at privacy laws sa bansa, gayundin ang kawalan ng mga pasilidad at reporting system sa mga local government units.

Sang-ayon si Atty. Tim Abejo, convenor of Democracy Watch and Citizens Watch. “Ang pagsagupa sa OSAEC ay bagay na hindi mapagtatagumpayan sa pamamagitan ng technology war,” aniya.

Pagkilos

Sinabi ni Abejo na ang kailangan ay isang integrated framework solution na magsisimula sa pagkakaroon ng government center, na mangangalaga sa OSAEC concerns, kung saan ang mga biktima at ang mga may kaalaman sa paglabag ay makakapag-report ng mga insidente.

Maaari ring makatulong kung ang gobyerno ay magagawang protektahan ang whistleblowers para mahikayat ang marami na mag-report, lalo na ang mga insidente na nangyayari sa mga kalapitbahay, sa kanila-kanilang mga tahanan.

Tinukoy niya na sa Pilipinas, ang OSAEC ay isang family-based crime. Dahil mura lang ang koneksiyon sa internet. Pawang sumasang-ayon ang mga panelists sa webinar na ang prevention ay dapat magsimula sa bahay, kung saan ang mga magulang ay namo-monitor ang aktibidad ng kanilang mga anak.

Sa bahaging ito rin maaaring makaagapay ang education sector at mga guro para makatulong na bigyan ng kaukulang edukasyon ang mga bata at kanilang mga magulang tungkol sa isyu.

Makakatulong ang mga guro para maipaunawa sa mga magulang ang mga epekto ng OSAEC kapag umabot na ito nang higit sa pisikal—matagal na trauma at mawawalan ng pagpapahalaga sa sarili ang biktima.

Ito ang dahilan kung kaya ang Department of Social Welfare and Development ay naglatag ng hakbang para magkaroon ng psychosocial intervention sa mga biktima.

Ang Department of Education naman sa suporta ng Globe ay nagsagawa ng mga webinar, gayundin ng orientation kapwa para sa mga magulang at mga bata nang sa gayon ay maisulong ang responsible digital citizenship.

Ayon kay Crisanto, 2017 pa nang simulan ng Globe ang aktibong kampanya para maging ligtas ang Information Technology at nag-invest ng $2.7 million para sa content filtering systems na magba-block sa mga websites at online imagery na nagpo-promote ng child pornography at online piracy.

Katuwang ng Globe ang mga global at local organizations para tukuyin ang mga illegal websites at i-block ang network ng mga ito.

Ang adbokasiya, kasama ng social and behavioral campaigns ang panimulang hakbang, pero kailangan ang komunidad para manatiling umiiral ito upang matuldukan ang OSAEC cycle.

“Tinatawagan ang bawat isa na manindigan at makibahagi sa adbokasiya. Hindi namin mapagtatagumpay ang laban na kami lang. Kundi sa pamamagitan lamang ng pagtutulungan para tunay na matigil ang OSAEC sa Pilipinas,” pahayag pa ni Crisanto.

vuukle comment

GLOBE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with