Mga aktibidad sa Chinese New Year, kanselado
MANILA, Philippines — Bilang bahagi pa ng pag-iingat na magkahawahan ng COVID-19 ay wala na ring magaganap na anumang kasiyahan at aktibidad na magdudulot ng pagtitipon ng tao sa darating na Chinese New Year sa Maynila.
Kabilang sa mga ipinagbawal ay ang tradisyunal na mga parada, lion at dragon dance, pagsisindi ng mga paputok sa kalsada, street parties, stage shows, palaro, at iba pa.
Mahigpit na ipapatupad ang liquor ban sa Binondo upang maiwasan ang inuman sa mga bahay at kalsada.
Ipagdiriwang sana ng mga Filipino-Chinese sa bansa ang Chinese New Year sa Pebrero 1.
- Latest