^

PSN Opinyon

Masaya ba ang Pasko kung walang party?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Nasa minimal risk na ang Pilipinas dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19. Pero sa kabila ng magan­dang development na ito, para sa Philippine National Po­lice­, hindi pa papayagan ang pagdaraos ng mga Christmas party. Ang transmission ng COVID ay bumaba na sa 0.35 percent mula Nobyembre 26 hanggang December 5, at ito’y patuloy pang bumabagsak, ayon sa Department of Health.

Ngunit kasabay nito ay ang pagsulpot ng binabantayang Omicron variant na ayon sa DOH ay hindi pa nakakapasok sa Pilipinas. Tama ang paghihigpit ng pamahalaan sa pagpasok ng mga foreign travelers sa ating bansa upang mahadlangan ang pagpasok ng virus.

Ngunit sabi nga ni Health Secretary Francisco Duque hindi nawawala ang posibilidad na makapasok ang variant­ kaya dapat magbantay ng mabuti ang pamahalaan at makiisa ang bawat mamamayang Pilipino.

Ibig sabihin, huwag kampante na dahil nagluwag na ang pamahalaan sa mga health protocols ay tapos na ang pandemya. Naririyan pa rin ang salot na virus at kung hindi marahil dahil sa vaccination drive ng pamahalaan, malamang na marami pa rin ang mga naoospital at nama­matay sanhi ng karamdaman.

Agree ako sa gusto ng PNP na iwasan muna ang ma­ra­mihang pagtitipon gaya ng mga Christmas party. Puwede marahil kung party lamang na pampamilya na ang mga dadalo ay magkakamag-anak at malapit na ka­ibigang mabakunahan na.

Pero dahil panahon ngayon ng eleksyon, ‘di ba dapat ipagbawal din ang mga political rally na dinadaluhan ng maraming tao na kadalasan ay nagiging super spreader ng sakit? Huwag sabihing may exemption pagdating sa mga gawaing pampulitika dahil walang kinikilala ang virus.

vuukle comment

CHRISTMAS

COVID-19

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with