^

Bansa

Buhay ng ilang expired COVID-19 vaccines, inextend

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinalawig ng mga manufacturer ang ‘shelf-life’ o buhay ng ilang bakuna kontra COVID-19 na napaso na upang patuloy pang magamit ng publiko sa isinasagawang ‘vaccination drive’ ng pamahalaan.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na sumulat sila sa kumpanyang Pfizer para palawigin ang ‘shelf life’ ng kanilang mga bakuna.

“Matapos nilang isinagawa ang stability studies ng kanilang bakuna, in-extend nila by 3 months,” ayon kay Duque, ngunit hindi nabanggit kung ilang doses ng bakuna ang sakop nito.

Nakipag-usap na rin ang kalihim sa AstraZeneca nitong Lunes para sa posibilidad na palawigin rin ang shelf life ng kanilang bakuna.

“I believe less than 1 percent na nag-expire titingnan kung puwede rin itong i-extend na hindi mababawasan ang kaniyang pagiging effective and iyong safety niya ay nasisiguro,” paliwanag ni Duque.

Kasalukuyang bumubuo ng ulat ang DOH kung bakit hindi nagamit ang mga bakuna bago sumapit ang expiration date ng mga ito.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with