^

Metro

Naiturok na bakuna sa Quezon City, halos isang milyon na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Naiturok na bakuna sa Quezon City, halos isang milyon na
Sa kabuuan, 663,828 o 39.05% ng 1.7 Million na target population ang nabakunahan na ng kanilang first dose habang 238,011 o 14% naman ang nakatanggap na ng kanilang second dose.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Umabot na sa 901,839 doses ng bakuna ang naiturok sa mga taga-Quezon City sa pagpapatuloy ng Vaccination Program ng lokal na pamahalaan  laban sa COVID-19.

Sa kabuuan, 663,828 o 39.05% ng 1.7 Million na target population ang nabakunahan na ng kanilang first dose habang 238,011 o 14% naman ang nakatanggap na ng kanilang second dose.

Pero sa ngayon, naubusan na ng suplay ng bakuna ang lungsod para sa mga nais tumanggap ng kanilang first dose.

Tanging ang mga nasa schedule ng kanilang second dose ang natitirang suplay ng bakuna.

Dahil dito, umaapela si Mayor Joy ­Belmonte sa Department of Health na bigyan na sila ng dagdag na suplay ng bakuna upang maipagpatuloy ang vaccination program ng pamahalaan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with