^

Bansa

Tig P1 milyon sa nasawing 29 health workers naibigay na – DOH

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naibigay na ng Department of Health (DOH) sa mga kaanak ng 29 healthcare workers na pumanaw sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang tig-P1 milyong compensation na naipangako ng gobyerno.

Sinabi kahapon ni DOH spokesperson at Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dinala na mismo ni Health Secretary Francisco Duque III, kasama si Undersecretary Roger Tong-an kamakalawa sa mga kaanak ng 29 na namatay na health workers ang tseke matapos pirmahan noong nakalipas na araw ang joint administrative order.

“Napirmahan na po natin ‘yung joint administrative order nung isang araw at kahapon po, dala-dala ‘yung mga cheke, napuntahan na po ni (Sec. Francisco Duque III) at ni (Usec. Roger Tong-an) ‘yung relatives ng ating mga kababayan, at naibigay na ho ang cheke sa 29 na heirs,” sabi ni Vergeire.

“Tatlo na lang po ang gagawin natin ngayong araw para makumpleto po ‘yung listahan natin,” sabi pa niya.

Samantala, ang 79 health workers na tinamaan ng COVID-19 ay makatatanggap na rin ng P100,000 sa mga susunod na araw.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with