^

PSN Palaro

Fuel Masters lumakas ang tsansa sa twice-to-beat

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Fuel Masters lumakas ang tsansa sa twice-to-beat
Naharang ni Phoenix import Eugene Phelps ang pasa ni Norbert Torres ng Rain or Shine habang nakadepensa sina William Wilson at Justine Chua ng Fuel Masters.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Mainit ang harurot ng Phoenix Fuel Masters nang iselyo nito ang 103-97 panalo laban sa Rain or  Shine upang mapalakas ang tsansa sa twice-to-beat edge sa quarterfinals sa Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Beast mode na naman si Calvin Abueva na humataw ng double-double na 18 points, 12 rebounds, dalawang steals at isang assist para matibay na suportahan si import Eugene Phelps na gumawa ng sari­ling double-double na 18 markers, 20 boards, pitong assists at limang blocks.

Napatatag ng Fuel Masters ang kapit sa No. 4 spot hawak ang 7-3 marka.

Ang apat na mangu­ngunang koponan sa pagtatapos ng eliminasyon ang mabibiyayaan ng twice-to-beat sa quarterfinals habang ang No. 5 hanggang No. 8 ay babagsak sa twice-to-win.

Matikas din ang inilaro ni Matthew Wright na pumukol ng 17 puntos kalakip ang apat na assists at dalawang rebounds habang may sari-sariling double-digit output sina LA Revilla (13 points, 6 assists at 4 rebounds), Justin Chua ( 12 points at 4 rebounds) at Jason Perkins (10 points, 9 rebounds at tatlong assists).

Nagdilim ang pag-asa ng Elasto Painters na bumagsak sa 2-7 marka.

Magarbo ang laro ni Chris Tiu na nagsumite ng 24 puntos subalit hindi ito napakinabangan matapos kapusin ang kanilang tropa sa end game.

Naglista rin si James Yap ng 14 markers habang may pinagsamang 21 puntos sina Jewel Ponferada at Maverick Ahanmisi para sa Elasto Painters.

Ayaw bumitiw ng Elasto Painters nang maisalpak ni Gabe Norwood ang dalawang free throws nito para bahagyang makalapit sa 94-98 sa huling 40 segundo.

Muling inilayo ni Abueva ang Fuel Masters sa pamamagitan ng isang drive, 100-94.

Subalit pinakawalan ni Ahanmisi ang umaatikabong tres para dumikit sa 97-100 may 17 segundo pang nalalabi.

Iyon na lamang ang nakayanan ng Elasto Painters nang masiguro ni Abueva ang isa sa charities nito na sinabayan ng solidong dunk mula kay Phelps para tuluyang kubrahin ng Fuel Masters ang panalo. 

Phoenix 103 - Abueva 18, Phelps 18, Wright 17, Revilla 13, Chua 12, Perkins 10, Jazul 7, Intal 3, Wilson 3, Kramer 2, Alolino 0.

Rain or Shine 97 - Tiu 24, Yap 14, Ponferada 11, Ahanmisi 10, Borboran 9, Nambatac 8, Morwood 7, Washington 6, Watson 4, Daquioag 2, Maiquez 2, Torres 0.

Quarters: 27-21, 50-55, 74-84, 103-97.

vuukle comment

PBA GOVERNORS’ CUP

PHOENIX FUEL MASTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with