^

Bansa

Kaso ng typhoid fever tumaas ng 71 percent

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malaki ang itinaas ng bilang ng mga kaso ng typhoid fever sa bansa kumpara sa naitala sa nakalipas na taon.

Sa pinakahuling Disease Surveillance Report ng Department of Health (DOH), lumabas na mayroong 6,239 kaso ng typhoid na na­iulat mula Enero 1 hanggang Mayo 13, 2023. Ang bilang ay mas mataas ng 71 porsiyento kumpara sa 3,647 sa parehong panahon noong 2022.

Ang tatlong nangu­ngunang rehiyon na may typhoid ay ang Cordillera Administrative Region, 1,095; Northern Minda­nao, 768; at Central Visayas, 574.

Nangunguna naman o may pinakamalaking pagtaas ng bilang kung ikukumpara noong 2022 ang Mimaropa (181% o 162 hanggang 456), Central Luzon (144%; 79 hanggang 193), at Soccsksargen (131%; 127 hanggang 294).

Sa datos din ng Epidemiology Bureau ng DOH, 28 ang nasawi dahil sa typhoid fever ngayong taon habang 21 ang namatay sa kaparehong panahon noong 2022.

Naitala ng Cagayan Valley ang pinakamataas na bilang ng nasawi na may 5, sinundan ng Central Visayas, Bicol Region at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na may tig-3 nasawi. Ang Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula ay nakapagtala ng tig-2 nasawi.

Ang typhoid fever ay isang impeksiyon na posibleng magdulot ng kamatayan dulot ng bacterium na Salmonella Typhi. Karaniwan itong kumakalat sa pamamagitan ng kontaminadong pagkain o tubig.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with