^

Bansa

1 milyong Pinoy skilled workers kukunin ng Saudi Arabia

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
1 milyong Pinoy skilled workers kukunin ng Saudi Arabia
Workers are seen constructing Marikina’s flood control projects on May 30, 2023, ahead of the rainy season.
Photos by Walter Bollozos/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Inanunsiyo kahapon ng Department of Migrant Workers (DMW) na target ng Kingdom of Saudi Arabia (KSA) na mag-hire ng isang milyong skilled Filipino workers sa susunod na dalawang taon.

Ayon kay DMW Se­cretary Susan ‘Toots’ Ople, tinalakay na ng Pilipinas at ng KSA ang posibilidad na magkaroon ng isang special hiring program upang matugunan ang ‘labor needs’ o pangangailangan nito ng mga manggagawa.

Sinabi ni Ople na kailangan ng KSA ng mas maraming manggagawang Pinoy sa sektor ng hospitality, construction, at information and technology.

Gayunman, binigyang-diin ni Ople na kailangang balansehin ng pamahalaan ang panawagan ng Saudi Arabia para sa mas maraming manggagawang Pinoy sa hiring demand ng mga lokal na kumpanya.

“We need to have a special hiring program that would accommodate their needs while also scaling up our skills training and opportunities for job internships so that there is continued sustainability for our own needs and for the needs of our external partners,” paliwanag pa niya.

Nakatakda aniyang magpadala ang Saudi Arabia ng technical team sa Pilipinas sa Hunyo upang talakayin ang programa.

Nauna rito, noong nakaraang linggo ay nakipagkita ang mga opisyal ng DMW sa Saudi Human Resources and Social Development Minister Ahmed Al-Rajhi sa Riyadh.

Sa datos, nasa 700,000 mga Pinoy ang kasalukuyang nagtatrabaho sa Saudi Arabia mula sa dating 1.5 milyon bago manalasa ang pandemya noong 2020.

vuukle comment

DFA

WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with