Pangulong Marcos sinertipikahang ‘urgent’ ang Maharlika Investment Bill
MANILA, Philippines — Sinertipikahang urgent ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., ang Maharlika Investment Fund (MIF) Bill na bersyon ng Senado.
Sa plenary session, binasa ni Senate Secretary Renato Bantug ang sertipikasyon ng Pangulo para sa Senate Bill 2020 na may petsang May 22, 2023.
Agad namang ini-refer ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang certification sa Senate Committee on Rules ni Majority Joel Villanueva.
Ang nasabing certification ay magbibigay daan para madaliin at maaprubahan na agad ang Maharlika Fund sa Senado na hindi na kailangang sundin o dumaan pa sa 3-day rule.
Isang linggo nang pinagdedebatehan sa plenaryo ang isinusulong na sovereign wealth fund at pagkatapos ng mga interpelasyon at amyenda ay mabilis na ipapasa ang panukala sa ikalawa at ikatlong pagbasa.
Target naman na mapagtibay sa Mataas na Kapulungan ang panukalang Maharlika fund sa susunod na linggo.
- Latest