^

Bansa

Bitay sa law enforcers, halal na opisyal na madadawit sa droga

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bitay sa law enforcers, halal na opisyal na madadawit sa droga
Nakapaloob ito sa inihaing Senate Bill 2217 ni Sen. Robin Padilla na nag-aamyenda sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 kung saan isisingit sa probisyon ng batas na mapatawan ng death penalty ang sinumang officer o member ng AFP at PNP o kahit ano pa mang uniformed o law enforcement agency.

Isinulong sa Senado

MANILA, Philippines — Isinusulong sa Senado ang parusang kamatayan para sa mga alagad ng batas at sa mga halal na opisyal na masasangkot sa kalakalan ng iligal na droga.

Nakapaloob ito sa inihaing Senate Bill 2217 ni Sen. Robin Padilla na nag-aamyenda sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 kung saan isisingit sa probisyon ng batas na mapatawan ng death penalty ang sinumang officer o member ng AFP at PNP o kahit ano pa mang uniformed o law enforcement agency.

Parusang kamatayan din ang ipapataw sa sinumang elective local o national official na mapapatunayang nakinabang sa drug trafficking o tumanggap ng pinansyal o materyal na kontribusyon o donasyon mula sa mga nahatulan ng drug trafficking bukod pa ito sa parusang otomatikong pagtanggal sa pwesto.

Hindi naman papatawan ng death sentence kung ang napatunayang may sala ay buntis o higit sa 70 taong gulang na.

Tinukoy ni Padilla ang maluwag na batas sa illegal drugs kaya kahit ang mga law enforcers at ilang matataas na opisyal ay hindi natatakot na masangkot sa kalakaran ng iligal na droga sa bansa.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with