^

Bansa

Napoles inabsuwelto sa 16 kaso ng pork barrel scam

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inabsuwelto ng Sandiganbayan ang tinaguriang “pork barrel queen” na si Janet Lim-Napoles sa 16 kaso na may kaugnayan sa pork barrel scam.

Sa kabila ng pagpapa­walang-sala ng 1st Divi­sion ng anti-graft court, ma­na­natili muna si Lim-Napoles sa piitan kaugnay ng iba pa nitong kaso na may kinalaman sa kontrobersiyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF).

“Finding Janet Lim Napoles NOT GUILTY in Criminal Case Nos. SB-14-CRM-0267 to 0282 for the failure of the prosecution to prove guilt beyond reasonable doubt in all the sixteen (16) charges of violation of Section 3 (e) of Republic Act No. 3019, or the Anti-Graft and Corrupt Practices Act, as amended,” ayon sa ruling ng Sandiganbayan.

Ipinaliwanag ng Sandi­ganbayan na ang alegas­yon laban kay Napoles sa mga kaso kung saan ito napawalang sala ay kaugnay ng “predicate crime” sa plunder laban kay Senador Ramon Revilla Jr. kung saan nakasuhan na ito at na-convict. Ang ‘predicate crime” ay nangangahulugan­ na bahagi ng isang mas malaking kaso.

Noong 2021 ay inab­su­welto rin sa kasong plunder sa pork barrel scam case si Revilla dahil sa kakula­ngan ng ebidensya laban dito pero ang dating aide nito na si Richard Cambe ay nahatulan sa nasabing kaso.

Ang kaso ay nag-ugat sa akusasyon na si Revilla­ ay naglipat umano ng P224-M sa PDAF nito sa bogus na Non-Government Organizations (NGOs) na pag-aari ni Napoles.

Samantalang ang hold departure orders na inisyu laban kay Lim-Napoles ka­ugnay ng nasabing 16 kaso ay tinanggal na rin ng anti-graft court.

vuukle comment

SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with