^

Bansa

Mail voting sa senior citizens, PWDs, maysakit isinusulong sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinutulak ni presidential son at House Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos ang panukalang mail voting para sa mga senior citizens  Person With Disabilities­ (PWDs) at mga Locally Stranded Individuals (LSIs) sa panahon ng public health emergency at state of cala­mity sa bansa.

Nakasaad sa House Bill (HB) 8037 ang pagtatatag ng postal o mail voting para sa nasabing sektor.

Sinabi ni Sandro na sa kasagsagan ng COVID­ 19 sa Estados Unidos, ay marami ditong estado ang nagpatupad ng postal o mail voting upang ma­iwasan ang pagkalat ng virus kung magsisiksikan ang mga ito sa mga polling­ areas.

Bukod dito’y higit an­yang mataas ang voter’s turnout sa mail voting.

Gayundin ay mababawasan ang mga itatala­gang Board of Election Inspectors (BEIs) at iba pang staff ng Comelec sa panahon ng halalan.

Sinabi ni Sandro, ka­pag naisabatas ang HB 8037 ay makakatipid ng pondo ang gobyerno.

Habang ang mga bobotong nabigyan ng prebilihiyo, bukod sa hindi na mapapagod ay makaka­tipid rin ng gastusin lalo na kung magmumula pa ang mga ito sa malalayong lugar. Mahihirapan din an­yang makapandaya sa mail voting.

vuukle comment

COMELEC

PWDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with