^

Bansa

Walang ‘malinis’ sa mga Teves, Degamo – Bato

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Walang �malinis� sa mga Teves, Degamo � Bato
Sen. Ronald 'Bato' dela Rosa in the Senate on this photo uploaded on his official Facebook fanpage.
Photo from the Office of Sen. Ronald 'Bato' dela Rosa via Facebook

MANILA, Philippines — Hindi maaaring sabihin ng kampo ng napatay na si Negros Oriental governor Roel Degamo at suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na ‘malinis’ sila kaugnay sa serye ng kaguluhan sa kanilang lalawigan.

Ito ang pahayag ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa nang tapusin na ang pagdinig ng Senate public order and dangerous drugs committee kaugnay sa serye ng mga pagpatay sa Negros Oriental.

Giit ni Dela Rosa, walang maaaring magsabi sa ­dalawang kampo na ganap silang malinis dahil mayroong alegasyon at ito ay mayroong bigat at may katotohanan.

Nauna na rin umanong nakatanggap ang dating hepe ng Philippine National Police (PNP) ng intelligence report sa patayan sa Negros Oriental kung saan ang dalawang pamilya ang sangkot.

Kaya kung siya ang nasa gitna, ang dalawang kampo ay walang malinis dahil sa mga alegasyon sa kanila.

Dahil dito kaya ipinapaubaya na lamang umano ng senador sa Department of Justice (DOJ) ang pagbibigay ng hustisya sa pagpatay kay Degamo, habang itinuturo ng DOJ si Teves na isa sa mastermind sa pagpatay base sa nakalap nilang statement ng mga naarestong suspek.

Sa pagtatapos ng imbestigasyon ng komite, sinabi ni Dela Rosa na patuloy nilang ipapatupad ang kanilang oversight functions sa PNP at patuloy na susubaybayan ang pagbabago at improvements sa peace and order situation sa Negros Oriental.

vuukle comment

ROEL DEGAMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with