^

Bansa

Bill vs ‘no permit, no exam’ pasado na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagtibay na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kamara ang panukalang bubuwag sa “no permit, no exam policy” na ipinatutupad sa mga pribadong eskuwelahan sa bansa.

Sa botong 259 pabor ay ganap na napagtibay ang House Bill 7584.

Alinsunod sa panukala, papatawan ng parusa ang mga pribadong eskuwelahan sa elementarya at high school na nagbabawal sa mga estudyante na kumuha ng periodic examination kung hindi pa ang mga ito bayad sa kanilang tuition fees.

Nakasaad sa panukala na kailangan lamang na magsumite ang mga magulang o guardians ng mga estudyante ng promisory note bago ang itinakdang araw ng eksaminasyon.

Samantala pinapayagan naman ang lahat ng pribadong paaralan na i-hold ang mga clearance at transfer credentials ng mga elementary at secondary students na may hindi pa nababayarang pinansiyal na obligasyon na maaring maging dahilan upang ‘di sila tanggapin sa susunod na enrollment.

vuukle comment

EXAM

LAW

STUDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with