^

Bansa

BIR: Last day ng filing ng ITR, walang mahabang pila dahil sa online payment

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walang mahabang pila na nakita kahapon sa last day ng filing ng ITR ng mga taxpayers sa mga tanggapan ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ito ayon kay Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang kanyang napansin nang inspeksiyunin ang ilang BIR offices sa Metro Manila.

Anya, malaking naging tulong sa pagkawala ng mahabang pila sa tuwing last day ng filing at payment ng buwis ang ipinatupad na online payment.

“Magandang senyales ito dahil ibig sabihin niyan ay probably nandiyan sila sa online at talagang may binabayarang buwis sa mga bangko,” sabi ni Lumagui.

Nakatulong din anya sa pagkawala ng mahabang pila ang naipatupad na bagong programang “pay anywhere and file anywhere” policy kung saan ang mga taxpayers ay maaaring mag file at magbayad ng buwis sa alinmang BIR office na malapit sa kanilang opisina.

Target ng BIR na makakolekta ng P1.1 trillion mula Enero ngayong taon hanggang sa huling araw ng filing ng ITR nitong April 17.

Sa buong taong 2023, target ng BIR na makakolekta ng P2.6 trilliong pondo mula sa buwis.

vuukle comment

BIR

TAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with