^

Bansa

77K pulis ikakalat ngayong Holy Week

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng public safety plan, ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) ang nasa mahigit 77,000 pulis para sa anim na araw na summer vacation o Oplan SumVac.

Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr., ang pagpapakalat ng mga pulis ay layong makaresponde at matugunan ang mga nangangailangan ng assistance sa kanilang lugar at mga bibiyahe sa kani-kanilang mga lalawigan.

Maglalagay ng police assistance desk sa mga strategic na lugar upang madaling makita ng publiko.

Nabatid na nasa 38,387 ang ipakakalat bilang foot at mobile patrol para sa police visibility habang 39,504 sa pangunahing kalsada, transportation hubs, terminal, pasyalan at mga simbahan.

Inaasahan ang pagdagsa ng mga bibiyahe sa iba’t ibang probinsiya para sa Semana Santa mula Lunes, ?April 2 hanggang ?April 9 kaya ipinalabas na ng PNP sa mga police regional at provincial offices ang mga operational guidelines para sa kaligtasan ng publiko.

Apela naman ni Azurin sa publiko, sa pulis at iba pang tauhan ng pamahalaan na makipag-ugnayan sakaling nagkaroon ng problema at aberya sa kanilang biyahe.

Paalala naman ni Azurin sa publiko, bigyan ng oras ang pagninilay ngayong Mahal Na Araw bagama’t kasabay ang pansamantalang  bakasyon.

 

 

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with