^

Bansa

NPA attack sa Masbate kinondena ni Romualdez

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
NPA attack sa Masbate kinondena ni Romualdez
The New People's Army marked its 51st anniversary on March 29, 2020.
Photo courtesy of Visayas Today / Nonoy Espina

MANILA, Philippines — Nagtataka si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez kung bakit tila wala nang pinipiling lugar na aatakihin ang New People’s Army (NPA) matapos ang sunod-sunod na engkwentro sa pagitan ng mga komunistang rebelde at ng mga sundalo sa Masbate na malapit pa sa mga paaralan.

Matatandaang isang sundalo ang namatay at lima naman ang sugatan, kabilang ang dalawang sundalo, dalawang pulis, at isang menor-de-edad na sibilyan, bunsod ng bakbakan ng dala­wang panig sa natu­rang lalawigan.

Sinuspinde na rin muna ang face-to-face classes sa Masbate at balik-blended learning ang mga bata doon.

Ayon kay Speaker Romualdez, “di ko ta­laga makita ang lo­gic sa pag-atake nila (NPA) sa mga lugar ng mga sibiliyan at pagtatanim nila ng mga bomba doon.”

“Paano kung mga bata galing sa eskwela ang makatapak ng bomba? E tapos ang kinabukasan ng mga batang ‘yun,” dagdag ng House Speaker.

Paalala pa niya sa NPA, mahigpit nang ipinagbabawal ng Uni­ted Nations ang paggamit ng land mines ng anumang bansa o armadong grupo na nakikibaka sa isang gobyerno.

“Akala ko ba para sa tao o bayan ang pinag­lalaban nyo? E bakit parang wala ka­yong pakialam kung ma­damay ang sibilyan?” tanong pa ni Romualdez.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with