^

Bansa

Ebidensiya vs ‘utak’ sa Degamo slay, malakas – DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ebidensiya vs �utak� sa Degamo slay, malakas � DILG
Armed policemen man a check point in front of the municipal hall in Pamplona town in Negros Oriental on March 5, 2023, a day after provincial governor Roel Degamo and eight others were killed in a mass shooting.
AFP / Ferdinand Edralin

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. na malakas ang kanilang mga ebidensiya laban sa itinuturong utak sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at walong iba pa noong Marso 4.

Ginawa ni Abalos ang pahayag nang mahingian ng reaksiyon hinggil sa mga pahayag ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves na may script na binuo upang idiin siya sa krimen.

Sa ginawa niyang pagdalo sa launching ng Philippines’ Multi-Sectoral Actions to End Tuberculosis nitong Biyernes, sinabi ni Abalos na bahala ang mambabatas kung ano ang nais niyang isipin.

Ayon pa kay Abalos, ang hinahanap nila ay ang mastermind sa krimen at sinigurong mahahanap nila ito dahil malakas ang hawak nilang mga ebidensiya.

“Ngayon, Mr. Teves, hinahanap namin ang mastermind. ‘Yun lang ang masasabi ko. Kung anong iniisip mo at itong sinasabi mo about you, it’s up to you. Basta mahahanap namin ang mastermind. The things way are, malakas ang ebidensya namin,” wika niya.

Aniya pa, hindi na niya maunawaan pa ang mga alegasyon ni Teves, at tila ang mambabatas lamang aniya ang nakakaintindi rito.

Nanindigan din ang DILG chief na ang sinumang may ginawang mali ay dapat na managot sa batas.

Kaugnay naman sa pagtanggi ni Teves na bumalik sa bansa, sinabi ni Abalos na may batas na dapat na sundin at ipatutupad nila ito.

Muli rin naman niyang hinikayat si Teves na umuwi na at tiniyak na sisiguruhin nila ang kaligtasan nito.

vuukle comment

DILG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with