^

Bansa

Colorectal cancer screening sa edad 40 pataas, kailangan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kung ikaw ay edad 40 pataas, kinakaila­ngan mong sumailalim sa colorectal cancer screening.

Ayon kay Dr. Dave Rennel Sebollena ng Phi­lippine Society of Gastroenterology dahil sa Co­vid-19 pandemic, buma­ba ng may 90 percent ang mga sumasailalim sa naturang screening batay sa JCO Clinical Cancer Informatics.

Sinabi ni Sebollena na ang delay ng anim na buwan sa pagsasailalim sa screening ay magreresulta ng mas mataas na bilang ng taong mayroon ganitong uri ng sakit at ang delays ng 12 buwan ay magreresulta ng pagdami ng mamamatay dahil dito.

Ang Colorectal cancer ay isang uri ng cancer mula sa uncontrolled cell growth sa inner lining ng colon o rectum. Ito ay kalimitang nabubuo mula sa isang tumor, isang abnormal tissue na maaa­ring benign o malignant o mula sa isang polyp, na isang non-cancerous tumor.

Sa Pilipinas, ang colorectal cancer ay ikatlo sa dahilan ng cancer.

Batay sa online database Globocan 2020, mayroong 17,364 ang naitalang colorectal cancer cases sa babae at lalaki. Ito ay ikalawa sa pinaka common cause ng kapatayan ng pas­yente na napapatuna­yang may sakit na cancer. May 6,109 ang namatay dahil sa colon at 2,982 dahil sa rectum.

Sinabi ni Sebollena na mapanganib ang colorectal cancer na ang karamihan ay nagkakaroon nito na may edad 50 pataas pero sa ngayon ay naobserbahan nila na dumami ang kaso sa mga edad 40-49 anyos.

Ang mga risk factors nito ay ang mga palagiang umiinom ng alak, obesity, malakas kumain ng processed meats, naninigarilyo, may history ng colorectal cancer ang first degree relative at physical inactivity.

Ilan sa senyales at sintomas ng colorectal cancer ay ang pabago-bagong bowel habits tulad ng diarrhea o constipation, pagkipot ng stool caliber, dugo sa dumi at hindi mapigilang pagbaba ng timbang.

Ngayong Marso ay national colorectal cancer awareness month sa Pilipinas.

vuukle comment

DAVE RENNEL SEBOLLENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with