^

Bansa

‘New Agrarian Emancipation Act,’ may pakinabang sa ekonomiya

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagtibay ng Kamara at Senado nitong Miyerkules na huling araw ng sesyon ng Kongreso bago ang Semana Santa, ang House Bill 6336 at Senate Bill 1850, ang kani-kanilang bersiyon ng “New Agrarian Emancipation Act” o bago batas sa reporma sa lupa. Lagda ng Pangulo na lang ang kailangan bago maging ganap na batas.

Ayon kay Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee at may-akda ng panukala, ang ‘New Agrarian Emancipation Act’ ay mauukit sa mga aklat ng kasaysayan ng bansa bilang “pinakamahalagang batas ng kaganapan” sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Pinuna ni Salceda na “halos tatlong dekada ang nakaraan at sa ilalim ng Pangulong may makasaysayang mandato, bago naisabatas ang sadyang makasaysayang batas na ito. Ang tinutukoy niya ay ang 31 milyong Pilipino na bumoto kay Marcos noong Mayo 2022 pambansang halalan.

Sa ilalim ng ‘New Agrarian Emancipation Act,’ patatawarin ang P58.125 bilyong pagkakautang ng mga 654,000 benipisyaryo ng reporma sa lupa na sumasaklaw sa 1.18 milyong ektarya ng mga lupain.

“Ipinakipaglaban ko ang panukalang batas at adhikain kong ito mula ng unang termino ko sa Kongreso. Itinuloy ko ang laban sa ilalim ng gabinete ng admi­nistrasyon Arroyo at sa nakaraang administrasyong Duterte. Ngayon, napatunayang tama ako at magkakabunga ang mga pinagsikapan ko sa loob ng tatlong dekada,” masiglang sinabi ni Salceda.

vuukle comment

KAMARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with