^

Bansa

Bong Go: ‘Trabaho para sa Bayan’ Act, master plan sa paglikha ng trabaho

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinuportahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagpapasa ng Senate Bill No. 2035 o ang “Trabaho para sa Bayan Act” na layong magtatag ng isang master plan sa paglikha ng trabaho upang makamit ang short-term at long-term goals para sa bansa.

Ang panukala ay pangunahing iniakda ni Majority Leader Senator Joel Villanueva.

Sa kanyang co-sponsorship speech, binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng disente at pantay na oportunidad sa trabaho para sa lahat ng Pilipino, lalo na sa panahon ng patuloy na pandemya.

Ipinunto niya na maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya at ang unemployment rate noong Enero 2023 ay tumaas sa 4.8 porsiyento mula sa 4.3 porsiyento noong nakaraang buwan na nakaapekto sa 2.37 milyong Pilipino.

Binigyang-diin niya ang sapat na pagpaplano at diskarte upang lumikha ng sapat na trabaho.

“This measure will stimulate national and local economic growth and development through aligning investment and other incentives provided by law for decent job generation, including reintegration of Overseas Filipino Workers,” sabi ni Go.

Binigyang-diin niya ang sapat na pagpaplano at diskarte upang lumikha ng sapat na trabaho.

“Dapat po talaga may sapat na pagpaplano at stratehiya para makalikha tayo ng sapat na trabaho. Through the Trabaho Para sa Bayan Plan, we will promote the employability, competitiveness, wellness, and productivity of workers,” anang senador.

Kung maipapasa, ang Trabaho Para sa Bayan Act ay magtatatag ng National Employment Master Plan na kikilalaning “Trabaho Para sa Bayan Plan.”

Ito ang magsisilbing master plan ng estado sa pagbuo ng trabaho at pagbangon upang makamit ang mga pangmatagalang layunin at mga pananaw para sa bansa.

vuukle comment

CHRISTOPHER “BONG” GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with