^

Bansa

Deployment ban sa household workers sa Kuwait, inirekomenda ng Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng dalawang komite sa Senado ang pag-ban o hindi muna pagpapadala ng mga Filipino household services workers sa Kuwait.

Ang rekomendasyon ay nakapaloob sa 28 pahinang committee report ng Senate Committee on Migrant Workers at Senate Committee on Foreign Relations kaugnay sa naging resulta ng imbestigasyon sa karumal-dumal na pagpaslang sa Pinay OFW na si Jullebee Ranara na pinatay ng anak ng kanyang amo sa Kuwait.

Ipinapa-ban o pansamantalang ipinagbabawal muna ang pagpapadala sa Kuwait ng mga bagong hired na Filipino household services workers hangga’t hindi pa natitiyak ang proteksyon sa mga ito.

Hindi naman kasama sa ban ang mga Pinoy household service workers na dati nang nagtatrabaho sa Kuwait.

Dagdag pa sa rekomendasyon ng dalawang komite ang pag-oobliga sa gobyernong Kuwait na humingi ng paumanhin sa sinapit ng biktima at ng pamilyang Ranara at ang iba pang pang-aabuso laban sa mga Pilipino.

Habang pinagbabayad din ng danyos ang umabuso at pumatay kay Ranara.

Ipinarerepaso at ipinasasailalim din sa evaluation ang bilateral labor relations ng Pilipinas sa Kuwait at hiniling din ang pagbuwag sa kafala system tulad ng ginawa sa Bahrain at Qatar.

Dagdag pa sa rekomendasyon ang pagpapasara ng mga recruitment agency na paulit-ulit na nagpapabaya sa kanilang mga idine-deploy sa abroad at iyong mga nagsisilbi lang na dummy ng ibang recruiters.

vuukle comment

CRIME

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with