Teves ‘di maaring basta patalsikin sa Kamara – Topacio
MANILA, Philippines — Hindi maaring basta na lamang patalsikin bilang miyembro ng Kamara si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., matapos na akusahang mastermind sa kaso ng pinaslang na si Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Ito ang mariing sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Teves, bilang tugon sa apela kamakalawa ni Pamplona Mayor Janice Degamo, biyuda ni Gov. Degamo sa Kamara na idismis na si Teves bilang miyembro ng Kamara.
Ayon kay Topacio, unang–una ay hindi pa naman napapatunayang guilty ang kaniyang kliyente at suspect pa lamang ito tulad ng mga akusasyon.
“Rep. Teves seeks the kind of understanding of his colleagues in the House during these trying times in his life where he is accused of certain crimes that he did not commit,” ayon kay Topacio.
“Hopeful that as lawmakers you are all aware of the principles that a person is innocent until proven otherwise with finality by a court law, and that all persons are entitled to the full protection of his Constitutional rights,” giit ni Topacio.
Kaugnay nito, ayon kay Topacio ay tila tablado at ayaw pagsalitain sa Kamara ang kaniyang kliyente.
Sa kabila aniya ng pagnanais ni Teves na dumalo via zoom sa pagdinig ng House Committee on Ethics ay hindi ito napagbibigyan. Hindi rin pinayagan na makapag-privelege speech si Teves sa plenaryo via zoom para magpaliwanag.
“Sa kabila ng ilang hiling, tila hindi napagbibigyan si Cong. Teves sa makapaliwanag at makasalita para malaman ng publiko ang katotohanan,” nanlulumong pahayag pa ni Topacio.
- Latest