^

Bansa

Pagsuspinde sa ‘Mother Tongue’ sa K-3, pinagtibay sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagtibay na sa Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang pagsuspinde sa paggamit ng “Mother Tongue “ bilang medium ng pagtuturo mula sa kindergarten hanggang Grade 3 sa buong bansa.

Sa botong 240 pabor, 3 tutol ay lumusot ang House Bill (HB) 6517.

Ayon kay Speaker Martin Romualdez, layon ng panukala na matugunan ang kakulangan ng mga learning materials sa mother tongue na lengguwahe sa mga eskuwelahan upang tiyakin na ang konstitusyonal na mandato ay makakapagkaloob ng de kalidad na edukasyon para sa lahat ng mga mag-aaral sa pangunahing edukasyon.

Sa ilalim ng HB 6717, sinususpinde ang implementasyon ng Section 4 ng Republic Act 10533 o ang “Enhanced Basic Education Act of 2013 hanggang sa makapagbigay ng sertipikasyon ang DepEd sa Kongreso na nakumpleto na ang mga aklat, teaching materials at mga supplies upang epektibong maiimplementa ang paggamit ng mother tongue ang unang lengguwahe na natutunan ng mga mag-aaral sa K-3.

Ang mother tongue ay ang katutubong wika na nakasanayan sa alinmang rehiyon bilang unang lengguwahe na natutunan ng mga batang mag-aaral.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with